Chapter 40

7.6K 208 8
                                    

"Ma....." bulong ko kay Mama nun makalapit ako.

Lumingon ito sa akin.

"Bakit najijingle ka ba ha Kennedy? malayo ang CR dito" sabi ni Mama sa akin na ikinapula nang mukha ko.

Umiling ako dito at bahagyang yumukod para maabot ko ang tenga ni Mama.

"Mama hindi pero kasi kailangan ko nang umalis may usapan kami ni Kat Kat na magkikita na lamang kami dun sa venue na pinag usapan namin" paalam ko dito.

Agad na nagningning ang mga mata nito sa sinabi ko.

"Eh anu pang tinatayo tayo mo d'yan hala lumayas ka na at baka mainip ang manugang ko" sagot nito at tinulak na ako papalayo sa sementeryo kung saan binisita namin mag anak si Maggie.

Nailibing na ang pamangkin ko last week pa at sumama kami ni Mama sa mag asawa at ni Papa din.

Civil naman ang pakikitungo nina Mama at Papa sa isa't isa pero madalang pa din na mag usap sila.

Si Jonas naman parang nilalayo nya ang sarili nya sa amin ni Mama,
Lalo na kay Mama,
Di ko nga maintindihan kung bakit,

Samantalang ramdam ko naman na mahal din sya ni Mama at sinagot din ako ni Mama nun if di ba sya nagalit sa kapatid ko kasi bunga ito ng pagtataksil ni Papa kay Mama at sinabi nya na,

"Bakit naman? Sya ba ang nagtaksil sa akin, sya ba ang lumoko sa akin?" Natawa ito ng pagak at saka tumingin sa bintana.
"Bunga lamang sya nang mga pangit na pangyayari at wala syang kasalanan sa akin para kamuhian ko sya, isa lamang syang munting bata na di pinag isipan nang nanay nya kung paano aalagaan, basta na lamang syang inere sa mundo at pagkatapos viola! Nagpunta na sa kung saan pagkaraan iwan sa Tatay nito at di ako evil stepmother nuh! Ganda ko kaya para kunin ang role na yun naughty lang ako" nakataas ang kilay na humarap ulit sa akin si Mama at namaywang pa.

Napakamot na lamang ako dito bilang tugon pero hanga talaga ako sa Nanay ko.

Siguro tama nga ang kasabihan na ang anak di masyadong kilala ang magulang pero ang mga ina pagkaluwal mo pa lamang mahal ka na at habang lumalaki ka at hinuhubog ka ng mga magulang mo sa mga values na kinalakhan din nila.
Mas nakikilala ka nila nang mabuti kaysa sa mismong pagkakakilala mo sa sarili mo.

Katulad nga nitong mga huling mga araw na sa amin muna naglalagi si Mama yun akala mo na kilalang kilala mo na at alam na alam mo na ang ugali at mga gusto eh panglabas lamang na layer kumbaga ng balat ng baboy pag chinitcharon mo mas makikilala at malalaman mo na

Mas masarap pag kinain mo na ito at di lamang pinagmamasdan mo at iniisip mo kung tataas ba ang calorie mo o hindi pag tinangahan mo lamang ito hanggang sa kumunat na ito.

Seriously Kennedy Cervantes tama bang ikumpara mo ang Nanay mo sa Chitcharon?!!! Natatawang kastigo ko sa sarili ko.

"W--wait Minerva aalis agad kayo?" Tanong ni Papa nun mapansin nya na kinakaladkad na ako ni Mama papalayo sa kanila.

Tumigil si Mama at nakapamaywang na hinarap si Papa.

"Nagpapabili lamang ako nang Chitcharon kay Kennedy bakit gusto mo din magpabili?" Naka angat ang kilay na sagot ni Mama kay Papa.

Agad na tinakpan ko ang bibig ko nang dalawang kamay ko para mapigilan ko ang sarili ko na mapahagikhik dahil sa dahilan na sinagot ni Mama kay Papa.

Nakita ko na kumunot ang noo ni Papa na wari'y nagtataka sa sinagot ni Mama pagkaraan ay umiling ito bilang tugon.

Humalukipkip si Mama at hinarap na ako.

"Hala Kenneth humayo ka na at baka masaraduhan ka pa larga na" nanlalaki ang mga mata ni Mama sa akin.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now