Chapter 38

7.1K 185 5
                                    

"Kenneth....." napatingin ako sa tumawag nang pangalan ko at nakita ko si Papa na nakatayo sa may pintuan nang opisina ko.

Agad na napatayo ako at pumunta kay Papa.

"Pa...." alanganin ang ngiti na lumapit ako sa kanya.
"Come....pasok po kayo" anyaya ko dito.

Sumunod naman ito at umupo sa upuan sa tapat nang mesa ko.

"Ahm ....Pa may kailangan po ba kayo?" Di ito kaagad sumagot sa tanong ko at tumingin muna ito sa mga paperworks na nakakalat sa mesa ko.

"How's your Mom?" Sa halip ay nagtanong din ito sa akin.

"O--okay naman po, I think nag eenjoy naman po sya na kasa kasama si Rafa, you know naman po Papa na may trabaho ang Asawa ko at madalas naiiwan ang bayaw ko sa mga kaibigan nang Asawa ko pag wala kami, since ang mga magulang naman po nina Cathy at Rafa ay wala po dito" nakangiting sagot ko dito.

"Yeah, I know that Minerva likes kids so much" anito.

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin na dalawa.

"Ahm....Papa di mo pa po sinasagot yun tanong ko?" Tanong ko ulit dito.

"Sharleze told me that pumunta siya dito kahapon para kausapin ka" kumunot ang noo ko sa sinabi nito at ewan ko ba parang kinabahan ako na di ko mawari na naman. "At habang nag uusap daw kayo biglang dumating ang Asawa mo at hinalikan ka daw sa leeg mo after that naghalikan na daw kayo sa harap nya, Kenneth what the hell did you do? Nakakahiya yang pagdisplay nyo ng affection nyo sa isa't isa " Mahinahon man ang boses nito ramdam ko pa din ang pinipigilan na inis nito.

Shit naman eh! Namura ko na lang sa isip ko pangyayari kahapon.
To think after na puntahan ako dito ni Sharleze kahapon para tanungin ako na bakit gusto ko na manatili sa piling ng Asawa ko eh mukhang ewan daw naman yun.

Duh! As if ipagpapalit ko ang dyosang Asawa ko sa kanya!

Libre mangarap alam ko!

Pero di ako tanga para pakawalan pa ang Asawa ko nuh!

Swerte nga ni Sharleze at yun lang ang ginawa ni Honey ko naku kung nasa mood pa kamo ang Honey ko baka itinapon pa siya nito sa bundok ng Tralala!

"Kenneth!" Tawag ni Papa sa pansin ko.

"Yes po Papa"

"Nasan ba naglalakbay ang utak mo?" Naiinis na wika ni Papa sa akin.
Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Syempre Papa sa sinasabi nyo" sagot ko dito na mukhang di nagustuhan nito. "I... mean Papa nakikinig ako.... " tila sumakit ang utak ko nun maisip ko na wala pala ni isang salita nito ang nanatili sa utak ko. "Ano na nga po ulit yun sinasabi nyo?"

"Kennedy!" Sigaw nito sa pangalan ko.
Napapikit ako saka napangiwi at napayuko pagkaraan ay nag angat ulit ako nang mukha at binuksan ko ang isang mata ko at nakita ko na pulam pula na sa galit ang Tatay ko.

"Kenneth" napahinga ito nang malalim na tila pinapahupa nito ang inis nito sa akin.
"Di ko alam kung bakit pinakasalan mo yan Asawa mo at iwan si Macy at ang kawawang inaanak ko nagpakasal naman sa kapatid mo para makaligtas sa kahihiyan na gawa mo" sumbat nito at nagyuko na lang ako ulit ng ulo at saka kinuyom ang mga kamao ko.

No used din naman para magpaliwanag!

"And then what did you do sa kapatid mo inaway mo pa sya sa harap namin para ipagtanggol yan pagsasama nyo nang Asawa mo"

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now