Chapter 48 part four

5.5K 172 11
                                    

Kasalukuyan na naka focus ako sa pagda drive ko nang mapansin ko na nag blink ang Cellphone ko.

Kaya naman nag menor ako sa pagda drive at sinuot ang headset ko saka ko sinagot ang tumatawag sa akin.

"Hello----"

"Ken Ken!" Agad na napangiti ako nang madinig ko ang malambing na boses nang Asawa ko.

"Kat Kat ikaw pala napatawag ka?" Nagtataka kong tanong dito.

Ang alam ko kasi baka bukas pa sya makauwi kasi may taping sya ngayon.

"Namimiss kong marinig ang boses ng Honey ko eh" sagot nito na kinakilig nang puso ko.

"Honey...." nausal ko na lamang.

"Anyway Honey pauwi na din ako kasi di natuloy yung taping dahil nagka conflict sa location at oras"
sabi nito sa akin.

"Ganun ba? Teka papauwi na din ako mainam pa susunduin na kita saan ka ba nakapwesto para makita agad kita?" Tanong ko dito habang inaabante ang sasakyan ko.

"D'yan sa Puso mo" sagot nito na kinahinto ng pagtibok ng puso ko at kahit wala naman ito sa tabi ko ay namula talaga ng husto ang buong mukha ko pakiramdam ko pa nga para akong kumukulong takure na di pa naisasalin ang laman.

"H--honey seryoso ako" nakalabing sagot ko dito ng makabawi ako ng makahuma na ako.

Natawa naman ito ng malamyos.

Shit! Tawa pa lamang kinikilig  na naman ako...be still my heart! saway ko sa puso ko na napakalakas ng pagtibok.

"At seryoso din ako" anito.

"Nagda drive ako Honey wag muna mo akong pakiligin" saway ko dito.

"Okay Honey sabi mo eh" natatawang sagot nito pagkaraan ay sinabi na nito kung nasaan siya.

"Okay Honey nand'yan na ako in less than ten minutes" pagkakalkula ko.

"Okay bye bye honey ko"

"Yeah..." nakangiti na pinatay ko na ang cellphone ko saka muling pinokus ang atensiyon ko sa pagmamaneho.


-------------

"Hon!" Agad na napangiti ako pagkakita sa Honey ko na nakangiting kumakaway sa akin.

Nagmamadali ang mga lakad ko na lumapit dito at pagkatapos ay nagulat pa ako ng salubungin nya ako ng mahigpit at halikan ako sa mga labi ko.

Muli pakiramdam ko may mga usok na lumabas sa ulo ko.
At pulam pula na ang buong mukha ko.

Ganun na ang level nang kakiligan na nadarama ko sa Asawa ko ngayon.

Ngumiti ito nang matamis matapos na halikan ako sa labi ko.

Kahit na mukha na naman clown ang Asawa ko sa get up nya ay okay lang sa akin.

Ang nakikita ko kasi ay ang para sa akin ay pinakamagandang babae na pinakasalan ko at walang kokontra!

"Sayang yung Lalake Sis mukhang di na papakawalan nung mukhang pok pok nuh?" Natigilan ako sa nadinig ko na nagsalita at sinundan pa yun ng hagikgikan ng dalawang babae na nagmumula sa likuran namin ni Kat Kat.

"Tama pag ganyan na mukhang may datung kahit ako di ko na pakakawalan yan" natatawang sagot ng isa pa.

Nilingon ko sila at nakita ko na ngumiti yun dalawa sa akin.

Bumaling ako ulit kay Kat Kat at nakita ko ang pilyang ngiti na sumilay mula sa ubod ng pula na labi nito.

Agad na kinabahan ako lalo pa't hinaplos ni Honey ang pisngi ko.

"Kat----" agad na naputol ang dapat na sasabihin ko nang bigla sakupin ng mapupulang labi nya ang bibig ko at nakipaglaro ang dila nya sa dila ko.

Di ko tuloy napigilan na di mapaungol ng mahina.
At kinabig ko ang makitid na beywang ng Honey ko saka nilapit pa lalo ang katawan nya sa akin para lalo kong madama ang init nang katawan ng Honey ko.

"Gosh di ko ma take ang Gross tignan!"

"Tama ka Sis mainam pa umalis na tayo" nadinig ko na wika ng dalawang babae pero wala akong pakialam basta ang mahalaga lang sa akin ay ang halik na pinagsasaluhan namin nang Asawa ko.

Isang impit na ungol ng protesta ang pinakawalan ko nang bigla ay tapusin na ni Honey ko ang halik na pinagsasaluhan naming dalawa.

Nakasimangot na tinitigan ko ito pero ngumiti lang ito nang matamis sa akin at pagkatapos ay gamit ang daliri nito ay trinace nito ang namamaga kong labi.

"I love you Ken Ken" malambing na deklara nito sa akin.

Sa sinabi nito ang dibdib ko ay napuno ng kilig tuwa saya at madami pang damdamin na tanging kay Honey ko lang nararamdam.

Yumukod ako at hinaplos ang mukha nito at pagkatapos ay ako naman ang umangkin sa malalambot at mapupulang labi ng Asawa ko......

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now