Chapter 50 part four

4.3K 127 5
                                    

Abala ako sa pagtu tune up ng gitara ko nang biglang may yumakap sa akin.

Agad na napangiti.

"Kat kat?" Tawag ko dito kasi kami lang naman na dalawa ang nandito sa bahay.

Si Mama kasi hindi pa nauwi.

Hinalikan ako ni Honey sa pisngi ko at pagkatapos ay nilapag ang tray na may laman na pitcher ng mango juice at clubhouse sandwich sa lamesa.

"Meryenda muna tayo" anito sabay abot sa akin ng sandwich.

"Thank you Hon" wika ko saka sinimulan ng kainin ang pagkain.

Nangingiti na umupo ito sa tabi ko at pagkatapos ay idinantay ang ulo nya sa balikat ko.

Bigla ko tuloy nalunok ang sandwich na syang dahilan para muntik na akong mabulunan.

Nagmamadali na kinuha ko ang baso ng juice at dali daling ininom.

"Why Hon? Hindi ba masarap yun iprinapared ko na sandwich?" Bakas sa magandang mukha ni Honey ang pag aalala.

Nakangiting umiling ako dito.

"Nope Hon, masarap nga, and actually gusto ko pa nga eh, pahingi nga ulit Hon" sagot ko dito.

Ngumiti ito ng matamis saka kumuha ng sandwich, kinagat yun saka humarap sa akin at mabilis na isinubo sa akin.

Mukhang mabubulunan na naman ako ah! Ani ko sa isip habang nanlalaki ang mga mata.

Ramdam na ramdam ko ang malakas na pintig ng dibdib ko, pakiwari ko nga sasabog na ito anumang oras.

Naramdaman ko na lamang ang paglayo ng malambot na labi ni Honey sa bibig ko.

Pilya itong ngumiti at muling kumuha ng sandwich pero this time kinain na nya ito.

"H---honey naman!" Namumula ang magkabilang pisngi na angal ko.

Natawa ito ng mahina pagkaraan ay tumuon ang pansin nito sa gitarang hawak hawak ko pa rin.

"Honey..."

"Yes Hon?" Tanong ko habang inaayos ulit ang gitara ko.

"Sing for me Hon" malambing na hiling nito.

Tila huminto ang paghinga ko at nanlalaki ang mga mata na napatingin dito.

"P---pero Honey....." nauutal akma na sanang tatanggi ako.

Hinawakan ako nito sa braso.

"Please Honey" nakikiusap pati ang mga nangungusap na mga mata nito.

Napalunok ako.

Nagtatalo ang utak at puso ko.

Kakanta o hindi?

Kasi naman sa ganda ng boses ni Honey nakakaalangan kung kakantahan ko sya kasi natatakot ako na baka pagtawanan nya ako.

Eh hindi wag na lang... sagot ng isang bahagi nang utak ko.

Pero nang muli akong tumingin sa mga mata ni Honey tila nalusaw ang mga agam agam na nararamdaman ko kaya naman nakangiting tumango ako dito at nagsimula nang tugtugin ang gitara.

Huminga ako nang malalim saka nagsimula nang kumanta.

Kung may taong dapat na mahalin
Ay walang iba kung 'di ikaw
Walang ibang makakapigil pa sa akin

Binuhay mong muli ang takbo
At tibok ng puso sa'yong pagmamahal
Ang buhay ko'y muling nag-iba
Napuno ng saya (Napuno ng saya)
Sa Lahat 'di maari, 'di maaring iwan
Wala ng makakapigil kahit na bagyo man
Paano kung ikaw na mismo kusang lilisan?
Paano ba?

Kung mawalay ka sa buhay ko
Kung pag-ibig mo'y maglaho
Paano na kaya ang mundo?
Kung sa oras 'di ka makita
Kung ika'y napakalayo na
May buhay pa kaya 'tong puso?
'Yan lang ang maaari natin, sadyang matatanggap
Habang ako'y may buhay
Mahal na Mahal kita
Higit pa sa iniisip mo

Mahal na Mahal kita
Mahal na Mahal kita
Mahal na Mahal kita
Higit pa sa iniisip mo......

"Wow Hon ang galing mo!" Pumapalakpak na wika ni Honey tapos niyakap pa ako ng mahigpit at pinugpog ng halik ang mukha ko.


Mula sa simpleng papuri na yun ay tila lumaki ang dibdib ko.
Pakiwari ko pa ay magtatatalon na sa galak ang puso ko.


"T--talaga Honey?" namumula ang magkabilang pisngi na tanong ko dito na nakangiting tinanguan naman nito.


"Of course Honey, wait ise save ko lang to" anito at saka kinuha ang cellphone nito.

"Honey!" Napasinghap ako.
Diyata't ivinideo ako pa ako ng Asawa ko.

Pilyang ngumiti ito at iwinagayway ang cellphone nito.

"I just want to save this time and wait Honey" lumapit ito sa akin at itinaas ang cellphone sa aming dalawa.

"Selfie tayo!" Nakangiting sabi nito at kumuyapit pa sa braso ko.

"P--pero Hon---" naputol ang sasabihin ko nang bigla ako nitong halikan sa labi ko sabay flash nang camera ng cellphone nito.....




My Gold Digger WifeOnde histórias criam vida. Descubra agora