Chapter 31

6.7K 178 4
                                    

Di ako mapakali sa kinauupuan ko kasi kaharap ko na sina Mr. Zevilla at Mrs. Zevilla pati na si Miss Andie na kadarating dating lang.

Bale ako si Honey tapos si Mavix ang nasa kanan bahagi ng lamesa tapos si
Miss Andie at si Mrs. Zevilla naman sa kaliwa at nasa gitna naman si Mr. Zevilla.

"Now I know why kung bakit pamilyar ang surname mo sa akin,
Because Asawa mo pala si Kat Kat" nakangiting sabi ni Miss Andie sa akin.

"O--opo Miss Andie" kinakabang na sagot ko dito.

"Vanna, na lang ang itawag mo sa akin o Ate Vanna if matanda ako sa yo, kaibigan ka nina Mavi at Avi kaya kaibigan na din kita at saka si Kat Kat" wika pa nito.

"Ahm yes M---Vanna" alanganin na ngumiti ako dito.

"Ate Vanna, what happen nga pala sa project nyo?" Tanong ni Cathy dito.

"Wala pa kaming napipili na ayos at papasa kay Dad" sagot nito sabay baling kay Mr. Zevilla na nakaupo sa gitna ng hapag kainan at nilalagyan ng pagkain ang plato ng Asawa nito.

"Ako?" Natawang turo ni Mr. Zevilla sa sarili nito.
Para itong older version ni Mavix,

Siguro nasa mga singkwenta pataas base sa edad ni Vanna  pero hindi halata bagkus  napakatikas nito at napakagwapo pa din na parang nakadagdag sa sex appeal nito katulad ng Asawa nito na parang nasa
Treinta lang ang edad at para lang silang magkakapatid.

"Baka ikaw yun my darling, masyado ka kasing perfectionist gusto mo tama, planado, at ayos ang lahat" dagdag pa nito.

"Just like you Dad" natatawang sagot nito.

Nagkatawanan na din kami lahat.

"How is your Mom and Dad Catherine?" Malamyos ang boses na tanong ni Mrs. Zevilla kay Cathy.

"Okay naman po sila infact pauwi na po sila next month kasi naayos na po nila yun singapore base company namin po dun" tugon ni Cathy dito.

"Oh,good then makakapunta na kami sa charity events namin na tatlo ni Charlie, nakakamiss din kasi na wala ang Mommy mo hija" natutuwang sabi nito.

"Opo nga po, one year din po sila dun pati na si Rafa di naman po ako makavisit kasi po hectic ang schedule ko"

"Busy ka kamo kakaspy sa Asawa mo kaya Awww!!"napasigaw bigla si Mavix kaya agad na napalingon ako dito.

"What happen Son?"

"Napano Pare?"

"Are you alright Mavi?" Halos magkakapanabay na tanong namin Lima.

"Ah ano may langgam, tama may langgam kinagat ako" nakangiwing sagot sa amin ni Mavix.

"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko dito.

Nakangiwing tumango ito bilang tugon.

"Okay na po si Mavix, Tito Vincent, Tita Agatha, Ate Vanna don't worry" wika naman ni Honey.
Sabay lingon kay Mavix.

"Ahm Tito Vincent, Tita Agatha pati din po kayo Ate Vanna after po sana ng pagkain natin my husband wants to talk to the three of you, if you mind po sana?" Sabi ni Honey sa mga ito.

"Ako?" Bulong ko kay Cathy sa pagtataka at pagkagulat ko.

"Walang problema hija" sagot ni Mr. Zevilla.

"Okay lang din sa akin" wika naman ni Vanna tapos si Mrs. Zevilla naman ay nakangiting tumango.

"Thank you po" ani Cathy sa mga ito.

"Teka anung pag uusapan natin wala  akong ideya" nagtatakang bulong ko ulit kay Cathy.

"Leave it to me Hon" bulong na sagot ni Cathy sa akin.

-----------------------

Katatapos pa lamang basahin nilang tatlo ang mga kopya ng ginawang reports ni Lemon tungkol sa kumpanya pati na ang proposal din na pinagawa dito ni Cathy.

Nasa may terrace na kaming anim at nagkakape para bumaba ang kinain namin kanina.

Kinakabahan na napahawak na lang ako sa palad ni Cathy habang hinihintay ang sasabihin ng mga ito.

"Well Kenneth kung ito ang pinakita mo sa akin last week baka nagkapirmahan na tayo ng kontrata" sabi ni Vanna.

"Y--yes kaya lang kasi kagagawa lang nyan at thank you at nagustuhan nyo I'm sure matutuwa si Lemon sa sinabi mo"

"Si Lemon, oh di na ako magtataka magaling talaga ang batang iyun walang duda and he worked for you lucky you" nakangiting sabi naman ni Mr. Zevilla.

"Tama po kayo Sir, masuwerte nga po ako di lamang kay Lemon pati na po kay Mavix at Avi na mga anak nyo at saka po si Dawn at naging kaibigan ko po sila at higit po sa lahat sa Asawa ko po na si Catherine for always helping me and stay by my side" wika ko sa mga ito at hinalikan ang palad ni Honey.

"Tama yan hijo, dapat pahalagahan natin ang mga mahal natin sa buhay at sabihin sa kanila kung gaano natin sila kamahal at kahalaga sa atin right my Wife?" Mr. Zevilla said and he also kiss the hand of Mrs. Zevilla,
which blushed at her husband sweet gestured.

I smiled at their overwhelming love for each other and then my parent flashed in my head,
And I smile sadly when I think that unlike Mr. Zevilla my father obviously did not love my Mother and me.....

"Okay nakapag decide na ako" maya maya ay wika ni Vanna.

Nagtataka na napatingin ako dito.
Ngumiti ito at kinamayan ako sa pagkagulat ko.

"Congratulations and  welcome to the soon joint project of our company" ani Vanna.

"Really thank you so much di nyo pagsisisihan makakasiguro kayo na pagbubutihan namin para di kayo magsisi na kinuha nyo ang serbisyo namin" natutuwa at di makapaniwalang sagot ko dito.

"Oy bro galingan mo para matapos ka agad dyan ha may taping pa tayo" singit naman ni Mavix.

"Taping?" Tumango ito.

"Yes yun second installment ng commercial na ginawa natin last month" sagot nito.

"Ako uli?" Takang turo ko sa sarili ko pagkaalala ko sa  ginawang commercial namin.

"Nagustuhan kasi ng mga executives nun kumpanya na yun ikaw at saka maganda ang response ng mga tao sa tambalan nyo ni Kat Kat kaya swerte mo may extra job ka na kasama mo pa Asawa mo" Mavix teased.

I smiled and blush and the I stared to my beautiful Wife and she mouthed
I Love You to me which make my heart skip.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now