★Prologue★

1.8K 87 13
                                    

Third person

"Ano! Marie naman bakit mo ginawa yun! Nahihibang ka na ba ha? Wala na bang ni katiting na pumasok diyan sa kukute mo!" Galit na galit na sabi ni Dencio sa asawa.


"Dencio naman alam mo kung bakit ko nagawa 'yun ha? Dahil ayokong maranasan ng anak natin ang hirap na pinagdadaanan natin!" Galit ding sigaw ng asawa at di mapigilang mapa-iyak.



"At sinong magulang ang gustong maranasan 'yun ng sariling anak ha? Nag-iisip ka ba talaga Mariette ha sa tingin mo anong mararamdaman ng magulang ng batang 'yan ha?" Halos gustong suntukin ni Dencio ang asawa dahil sa tindi ng galit nito.




"Ano bang gusto mong gawin ko ha ang hayaang lumaki ang anak natin na naghihirap samantalang ang batang 'to ay nabubuhay ng masaya. Sa tingin mo gusto ko ding mawalay sa atin ang anak natin ha! Hindi dahil mahal ko ang anak ko pero tanging 'yun lang ang alam kong paraan para lang mabigyan siya ng magandang buhay...  Puro ka kase pangako pero ano wala!" Sigaw nito sa asawa.




Hindi naman nakaimik ang lalake at tila nanghihinang tumingin sa sanggol na hawak ng asawa na mahimbing ang tulog hindi man lang nagising sa lakas ng sigawan nila. Awa ang naramdaman niya sa bata at lungkot dahil sa anak niyang nawalay sakanya. Wala na siyang ibang matinong maisip kundi ang gustong makuha ang anak ang totoong anak pero ayaw niyang 'yun ang dahilan ng di nila pagkaintindihan ng asawa. Alam niyang masyadong nasisilaw sa pera ang asawa at kahit ang sariling anak ay kaya niyang isugal kaya hangga't nasa kanila ang bata gagawin niya ang lahat para lang hindi niya maranasan ang buhay na dapat ay hindi niya maranasan.



Tanging sorry lang ang nasambit ni Dencio sa isip habang nakatingin sa sanggol na mahimbing ang tulog. Kinuha na lang niya sa asawa ang sanggol at tinitigan ito ng mabuti.




"Isa kang tagapagmana pero pinagkait sayo ng asawa kong sukab. Wag kang mag-alala darating din ang araw na makabalik ka sakanila." Sambit nito sa isip habang kalong ang sanggol.


"Para kang anghel pero sayang hindi mo makikilala ang mga magulang mong nagbigay sayo ng buhay kung bakit ka nandito ngayon. Kung bakit mo nasilayan ang mundo."



"Wag kayong mag-alala dahil kahit malayo kayo sa anak niyo tadhana rin ang gagawa ng paraan para pagtagpuin kayo." Nakita ni Dencio ang birthmark sa dibdib ng bata na hugis corona kaya hindi niya maiwasang mapangiti. "Anak mayaman ka nga dahil kahit sa birthmark ay talagang nakikita na, na ikaw ay taga pagmana ng mga Cortez." Kilala niya ang pamilyang Cortez dahil madalas niyang makita sa tv ang mga ito lalo na ang  business tycoon na si Raymond Cortez na ama ng batang hawak niya ngayon.











__________
After a years!!!!!

"Oh anak bilis takbo." Masayang sinalubong ni Dencio ang anak na si Ariela Reina Krown Perez na kung tawagin niya ay Ark. Kahit na tanggap niyang siya na talaga ang batang aalagaan niya kaya binigyan niya ito ng magandang pangalan na nababagay sa taga pagmana na gaya niya. Gusto niya kaseng iparamdam sa bata na kahit hindi siya anak nito ay para siyang isang gem para sakanya dahil siya ang nagsisilbing kayamanan niya at siya ang natatanging gamot sa sobrang pagkalungkot dahil sa totoo niyang anak.



"Papa." Nakangiting sigaw ng bata sa ama at agad yumakap at binigyan ito ng halik sa pisngi.



"Ang bait ng anak ko.. teka bakit namamaga 'yang mga mata ng prinsesa ko umiyak ka ba?" Tanong nito sa anak ng mapansin ang pamumugto ng mata ng bata. Umiling naman ang bata pero kahit itanggi nito sa ama ang totoo ay alam na nito na ang asawa na naman niya ang dahilan ng pag-iyak nito.



The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now