★Thirty one★

429 42 1
                                    

A/N: naalala ko pala guys na walang dimple si Park hyung sik pero si Kurt Wave meron kaya hindi ko alam Kung tama ba na siya ang Portrayer ko, pero guys siya Kase ang pumapasok sa isip ko na nababagay Kay Kurt eh kaya pasensya na Kung nasira ko man ang imagination niyo tungkol Kay Kurt. Isa pa pala Kung sinong marunong gumawa ng book cover para sa story na to Sana may gumawa, hiling ko lang Kung sinong gagawa dapat po Yung anime picture na dalawang babae sa magkabilaan tapos Yung tittle, parang sina Tarra at Ark yun na iniprepresent Kung sino sakanila ang tunay na tagapagmana.

Kung sinong gagawa ng book cover ko, gagawin ko siyang characters ko Kung hindi man bida ay magiging second lead, marami pa po akong magiging story na gagawin kaya kailangan ko din ng maraming names.

Lovelots ka Missy Sana magkakaroon din ako ng fans...

*************

Continuation....

Napasapo na lang ako sa aking noo ng maramdaman kong tila bumigat si Ace na nakasandal sa balikat ko, yun pala ay tuluyan ng nakatulog. Sa histura pa lang kase niya mukhang hindi nakatulog ng maayos ng ilang araw kaya knock-out ang lolo niyo. Dahan-dahan kong hinawakan ang ulo niya at agad akong tumayo pagkatapos dahan-dahan ko rin siyang pinahiga sa upuan, salamat na lang dahil may kahabaan ang upuan kaya kasyang-kasya siya at isa pa hindi siya basta-basta mahuhulog dahil alam ko namang hindi siya magulong matulog, hindi naman kataasan ang upuan kaya okay lang na mahulog siya hihihi, joke lang ayoko naman din na masaktan ang kaibigan ko physically, tama na ang sakit na naramdaman niya emotionally baka magpakamatay pa pag durog na durog na.





"Paano ko kaya to iuwi sa kung Saan siya nakatira, hapon na kaya ilang oras na lang pagabi na." Napanguso na lang ako habang nag-iisip kung ano bang dapat kong gawin, una hindi ko siya pwedeng iwan dito para magtawag ng taxi, pangalawa hindi ko pa nakikita ang condo kung saan sila tumitirang tatlo, pangatlo hindi ko naman mahingian ng tulong ang dalawa dahil gaya nga ng sabi kanina ni Ace na busy sila pareho, at pang-huli paano ko siya maiuwi at sino ang pwede kong hingan ng tulong.



"Si Raven kaya, hindi na pala dahil alam kong may problema din 'yun at dahil sa lalakeng kasama ko ngayon." Tinapik-tapik ko pa ng mahina ang pisngi ko habang nag-iisip. "Eh kung si Rustin kaya, tama siya kaso." Napabusangot na naman ako ng maalala kong wala nga pala akong number niya kahit si Raven wala, paano na kaya 'to? Yung 911 na lang  kaya ang tawagan ko at hihingi ako ng tulong kaso malas ko talaga dahil wala pala akong load.



Naglakad-lakad na lang ako ng pabalik-balik habang hinihintay na magising si Ace. Putik lang kase baka mamaya niyan hindi siya magising at baka gabihin kami dito, malas naman kase kung bakit ngayon ko lang naalalang ma-eexpired na yung load ko kaninang patungo ako sa lugar na 'to. Hindi rin naman ako maka-open sa facebook para sana magbabasakaling may naka-on sa mga kaibigan ko dahil hindi mabuksan ang facebook kung wala akong load.



"Shit!" Napamura na lang ako ng wala talaga akong maisip na paraan, halos magdadalawang oras na kami dito at tatlong oras na lang tuluyan ng magdidilim ang paligid, delikado pa naman ang lugar na 'to pag gabi. Ayon kay Tita Aida masasama ang mga tao dito sa manila lalo na paggabi, madalas namamantala sila at pumapatay. Jusko marimar ayoko pang mamatay!



Nagbilang-bilang ako sa aking daliri habang hinihintay na magising si Ace pero malapit ng dumilim hindi pa rin nagigising. "Ano kaya ang pwedeng gawin."

🎶Mahal pangako sa iyo
Hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa aking sling bag ng tumunog ito.

The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now