★Six★

599 56 0
                                    

Ace Pov

Taka akong nakatingin sa dalawang bakanteng upuan sa harap namin dahil wala ang dalawa.

Bakit kaya hindi sila pumasok?

"Bro anong iniisip mo?" Kyler ask.



"Wala." Sagot ko sakanya pero ang totoo iniisip ko ang dalawang estudyante na naka-upo sa harap namin dahil hindi sila pumasok. Sabagay wala pa namang ginagawa dahil first day pa lang naman ng klase kaya nga nag-yaya akong magbar kanina kaso nahuli kami ng guard at hindi nila kami pinalabas. Madali lang namang makalabas at malusutan ang guwardiya kaso binilin pala ng principal na walang papalabasin na estudyante kahit pa anak ako na may-ari ng paaralan. Wala rin naman kaming nagawa dahil nasa rules ng paaralan 'yon na sa oras na pumasok ka na sa university hindi ka na makakalabas ng basta-basta, tsaka ka lang makalabas kapag may permission slip kang galing mismo sa principal. Kahit karamihan sa mga estudyanteng nag-aaral dito na puro anak mayaman ay walang especial treatment, walang nakakalabas ng walang pahintulot kahit pa ako ay anak ng may-ari ng paaralan. Kung emergency okay lang pero kung hindi, bawal.



"Tulog na naman 'tong si Kurt na 'to laging tulog pero di sinisita pero pag ako ang natulog sinisita... Unfair." Nakangusong sabi niya kaya pasimple akong natawa sa inasta niya.



Buong hapon ay puro introduce lang gaya kaninang umaga kaya pati tuloy ako nakatulog na.



"Bye class." Paglabas ng guro ay agad na kaming lumabas akala ko nga wala ng balak na lumabas si Kurt pero nauna pa ang loko na nakalabas ng room.


"Kyahhhh."

"Gwapo mo Kurt."

"Hot mo Ace baby."

"Cute ni Kyler."


Natawa ako ng makita ang pagnguso ni Kyler ng marinig niya ang sinambit ng isang estudyante estudyante.


"Bad sila." Teary eyed na sabi niya kaya hindi ko maiwasang mapahagalpak sa tawa. Basta talaga usapang gwapo ayaw magpatalo ang isang 'to. Kaya nabansagang the undefeated playboy. Playboy kase ang isang 'to at ewan ko lang kung anong nakain niya kung bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin at wala siyang babae dito sa university.


Naunang naka-alis si Kurt bago si Kyler dahil may kinuha lang ako sa faculty room.


Boggss!




Agad akong nataranta ng makitang natumba ang babaeng nakabungguan ko kaya agad agad ko siyang tinulungang tumayo.



"Naku sorry miss okay ka lang?" Taranta kong tanong sakanya ng bigla itong tumingin sa akin.



"Ark?" Sambit ko sa pangalan niya.


"Ikaw pala Ace." Sambit niya sa pangalan ko.



Ganda niya talaga maputi, makinis ang kutis, matangos ang Ilong at kulay hazel brown na mga mata.


"Sorry." Mahinang sambit ko pero ngumiti lang siya sa akin.


"Okay lang ako." Nakangiting sagot niya.


"Naku baka magkatuluyan na kayo niyan." Biro ng kaibigan niya kaya agad silang nagpaalam sa akin bago ako iwan.


Sinundan ko sila ng hanggang sa parking area kung saan naka park ang kotse ko. Grabe ang ganda niya talaga. Hindi ko siya crush o anuman dahil may laman na ang puso kong ibang babae, tanging paghanga lang ang naramdaman ko sakanya dahil hindi mapagkailang may hitsura siya. Mas maganda siya kesa sa kaibigan niya kahit na mas matangkad ang kaibigan niya kesa sakanya pero mas lamang pa rin siya sa paningin ko. Maputi siya at halatang maalaga sa sarili, kung hindi ko lang alam na scholar siya malamang napagkamalan ko siyang anak mayaman dahil mukha talaga siyang anak mayaman eh.



The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now