Forty Two

403 19 1
                                    

Author •Pov•

Tahimik na pinagmamasdan ni Ray ang hawak niyang toothbrush at ang suklay na pagmamay-ari ng kaniyang ama at kapatid. Kanina pa siya nag-iisip kung ano ang pumasok sa kukute ng kaniyang lola kung bakit bigla-bigla nalang itong pumasok sa opisina niya at agad sinabing kailangan niyang ipa DNA test ang ama at kapatid niya.

"Mukha ba akong nagbibiro Ray?"


Bigla niyang naalala ang sinabi ng kanilang lola kanina. Hindi niya kase lubos na maintindihan kung bakit kailangan pang ipa DNA ang kaniyang pamilya.

"Lena?" Tinawag niya ang kaniyang nurse slash assistant slash secretary na agad naman ding pumasok sa loob ng opisina ang nurse.



"Bakit po doc?" Agad na tanong niya na hindi lingid sa kaalaman niya na nakatingin pala sakanya ang doctor habang nakangiti pero noong dumapo ang tingin nito sa mukha ng doctor agad sumeryoso ang mukha ng doctor bago pinalapit ang nurse.



"This blood is from Ark. This comb and toothbrush is from may family." Sinimulan niyang ipaliwanag ang lahat bago binigay sa nurse ang mga ito.



"Lahat po ba ito? Ang tatlong ito ay ipapassa ko sa lub?" Tanong nito na tinanguan naman ni Ray. Kahit nagtataka siya sa pinapagawa ng lola niya ay wala siyang nagawa kundi sundin pa rin ito.


"Oo iyang dugo ni Ark ipapacheck mo." Sambit niya dito.

"Okay po." Sagot naman ng nurse bago nagpaalam at tuluyang lumabas ng opisina nito.



Napabuntong hininga nalang siya dahil sa sobrang dami ng kaniyang iniisip. Una ang resulta ng dugo ni Ark na kinuha niya noon bago lumabas si Ark ng hospital dahil kailangan niya munang siguraduhin kung wala ng problema sakanya para sa mabilis na pagbabalik ng ala-ala niya pero ito nga kani-kanina lang biglang dumating ang lola at agad pinagawa ang DNA test na iyon at ang isa pang nagpapagulo ng isip niya kung bakit ayaw ipaalam ng lola niya ang bagay na ito sakaniyang ama at ina.


Sari-saring problema ang iniisip niya dahil maging ang nalalapit na event na magaganap sa Cortez Company na kung saan ipapakilala na siya bilang taga-pagmana ng mga negosyo ng kanilang mga magulang. Oo si Tarra ang magiging tagapagmana nila sa mga kayamanang pinundar ng mga magulang niya dahil ayaw naman niyang imanage ang mga ito dahil ang pinili niya ay ang makatulong sa kapwa kaya ang hospital ang pinili niya na siyang pabor naman sa kaniyang mga magulang.

Napailing nalang si Ray bago kinuha ang ballpen at sinimulan ang pagbasa sa mga document na hindi pa niya nagagawa. Kailangan niya kase itong matapos bago ang event para kahit papaano wala siyang iniisip habang nasa event siya pero tila hindi yata siya matatahimik hangga't hindi nalalaman ang totoong dahilan ng kaniyang lola.


"Hayss how I can forget it?" Sambit niya sa sarili habang busy sa pagchecheck. "I think about that later." Sambit niya at itinuon ang atensyon sa ginagawa.













***************
Ark •Pov•


"So kumusta naman ang pakiramdam mo Ark?" Tanong ni Ace habang naglalakad kami palabas ng gate. Oo kasama ko siya dahil sina Lemi at Kyler ayun busy silang maglambingan.



"Ayos na ayos naman." Sagot ko sakanya. Hindi ko akalain na isa pala siya sa mga kaibigan ko yung lalakeng tinutukoy ko na messy ang buhok na halata ang lungkot sa mga mata niya pero pilit niyang hindi ipahalata kaso nga lang halata pa rin kahit anong gawin niya.



"Ikaw? Wala ka bang namiss o gustong makita?" Tanong ko rito dahil kahit wala man akong maalala alam ko pa rin ang tungkol sakanya, mga taong malapit sa akin dahil siyempre kay Lemi na hindi nagsawang ikwento lahat-lahat mula sa kung paano kami naging magkaibigan hanggang sa napadpad kami dito hanggang sa nangyari sa akin ito.


The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now