Fifty Four

541 18 0
                                    

Continuation.....

Napuno ng sigaw ang loob ng mansion kung saan naganap ang event pero parang nawala ako sa sarili ko habang nakatingin sa taong nakahiga ngayon sa sahig habang naghihingalo pero para akong nawalan ng ulirat dahil hindi makakilos ang katawan ko habang nakatingin sakanya.



Bang! Bang! Bang! Bang!


Sunod-sunod ang pagputok ng baril pero wala doon ang atensyon ko kundi sa taong nakahiga sa sahig. Nang magawa kong makakilos agad ko siyang nilapitan at agad inilagay sa mga hita ko ang ulo niya habang umiiyak.



"Ba-bakit?" Hindi ko mapigilang mapahagulgol habang sakanya na puno na ng dugo ang suot.


"Gu-gusto la-ng ki-tang pro-protektahan."  Mas lalo akong napaiyak ng bigla siyang pumikit.


"Mamaaaaaaaa!" Napasigaw ako sa sakit ng hindi ko na maramdaman ang pagtibok ng puso niya. "Hindi! Mamaaaa!" Umiiling-iling ako habang niyakap ang katawan ni mama. Hindi ko matanggap na siya ang sumalo ng bala na para sana sa akin.

"Maaaa gising!" Sumisigaw na ako habang umiiyak.

Bakit? Bakit nangyari 'to?



Bigla akong nanghina habang yakap-yakap ang katawan ni mama at anytime para akong mawawalan ng malay.

And everything went black.....
















***************
Kurt Pov

Nagising ako at bumungad sa akin ang puting kisame ng hospital. Hindi na ako magtataka kung bakit ako nandito.

"Son!" Agad akong napatingin sa kanan ko at mula doon nakita ko si Daddy na naka-upo habang naiiyak na nakatingin sa akin. Ngayon ko lang siya makitang naiiyak at nag-aalala sa akin.

"Da-daddy." Hindi ako makapaniwalang nandito siya pero nakumbinsido ko lang din ang sarili ko na siya nga ito dahil hinalikan pa niya ako sa aking noo at tinawag na son.


"I'm sorry son." Hindi mo mapigilang maluha ng magsimula siyang magkwento, kung bakit ganun nalang niya ako kung ituring na para bang hindi niya ako anak.




"Kaya ko nagawang paglayuin kayo ni Ark dahil gusto ko lang kayong subukin kung gaano katatag ang pangakong binitawan niyo noong bata pa kayo, alam kong bata pa kayo noon kaya pinilit ko kayong paglayuin pero sadyang mahal na mahal niyo ang isat-isa. Humihingi rin ako ng tawad dahil hindi ko naiparamdam sa'yo ang pagmamahal ko bilang iyong ama pero ang totoo gusto lang kitang maging independent at tumayo sa sarili mong mga paa." Napatango-tango ako ng maintindihan ko ang mga ginawa niya at hindi ako galit dahil doon. Oo nagalit man ako pero hindi ko rin naman siya matitiis lalo na ngayon na nakikita ko na ang halaga ko sakanya.



"Noong nalaman kong may nangyaring masama sa'yo anak hindi ako maka-usap ng maayos dahil sa kakaisip sa kalagayan mo kaya lumipad ako papunta dito para makita kita." Napayuko nalang ako dahil hindi ko alam kung sasabihin ko pa na ang mismong kinilala niyang kapatid ang may pakana kung bakit muntik ng bumagsak ang companya.

"Dad si-


"Alam ko, alam ko na anak kung sino si Christian dahil rin mismo sa tulong ng isa niyang tauhan." Agad na sabat ni Daddy kaya napangiti nalang ako.



"Here dad, this the evidence against christian and I want you to send this to Mrs, Cortez the oldest of the family." Iniabot ko sakanya ang device na kung saan nakalagay lahat ng ebidensya dahil simula palang nagawan ko na ng paraan and thanks to this technology.



The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now