★Two★

827 71 5
                                    

Lemi Pov

Hi readers ako nga pala si Leah Melanie Mendoza ang pinakamaganda sa lahat ng pinakamaganda. I'm not mabait so wag kayong lumapit sa akin kung ayaw niyong masaktan, just kidding! actually I'm extrovert kung tawagin dahil mabait ako sa iba so wag kayong matakot makipagkaibigan sa akin.



"Anakkkk!"




"Ay anak ka ng ina mo! Bakit ba ma anong kailangan niyo sa akin?" Inis kong tanong kase naman nag-eemote yung maganda niyang anak dito eh tapos bigla-biglang sisigaw na parang wala ng bukas.




"Wala naman anak gusto lang kitang I congratulate." Masayang sagot nito na ikina-irap ko.




"Salamat ma." Oh bait talaga ng mama ko kaya mahal na mahal ko 'to eh. Hindi gaya ng mama ni Ark na sobrang sungit at sobrang pangit ng ugali, mabuti na lang at hindi siya ang naging ina ko dahil kung hindi siguradong kawawa ako.






"Dahil diyan bago kayo aalis ng kaibigan mo dapat muna tayong magcelebrate, ay teka pinayagan na ba 'yang si Ark ng halimaw niyang ina?" Tanong ni mama kaya hindi ko maiwasang mapangiti ng nakakaloko.





"Halla ma! lagot ka sinabihan mo siyang halimaw ipakukulam ka nun!" Pananakot ko sakanya pero tinaasan lang niya ako ng kilay.





"Don't care eh di kulamin ko rin." Nakangusong sabi niya.




Hahaha my mother is a childish too kaya nga madalas akong sabihan ni Ark ng Lani de second daw kesyo parehas na parehas kami ng ugali ni mama. Totoo naman 'yun at hindi ko na idedeny pa ang bagay na 'yun dahil I'm proud na si mama Lani ang aking ina at proud akong naging anak niya.






"Tignan ko ma mamaya kung free si Ark." Sabi ko sakanya. "Teka nga muna ma nasaan si papa bakit hindi ko ata nakikita dito?" Tanong ko kay mama.





"Ah ayon nasa kapitbahay may okasyon kaya inimbita nila ang papa mo." Sagot niya.





"Eh kayo po bakit hindi kayo pumunta dun hindi ka ba inimbita ng kapitbahay?" Tanong ko kay mama.





"Ayoko alam ko naman na uutang lang yun sa akin." Natatawa na lang ako kay mama sa sinabi niya.




Oo yung kapitbahay naming chismosa pero mayaman sa utang, lahat ata ng kakilala niya dito ay nautangan na niya kahit nga hindi niya kakilala ay inuutangan niya. Kapal lang ng muks kaya nga hate na hate ni mama 'yung kapitbahay namin na 'yun eh, partida nag papaparty tapos ipapabayad din naman ang mga kinain ng mga dumalo.





"Sige ma alis na muna ako puntahan ko lang muna si Ark." Sabi ko kay mama bago humalik sa pisngi niya.




"Ingat ka anak."




"Yes ma." Tumakbo ako palabas ng bahay at agad sinakyan ang bike ko. May sasakyan naman kami kaso mas bet ko ang magpedal kaya wag na kayong kokontra dahil hindi rin naman kayo mananalo sa akin.





















************

Tarra Pov

Hi everyone I'm Tarra Jade Cortez the unica ija of the famous family in the whole country not only in the whole country but in the whole world.





"Tarra saan ka na naman ba pupunta ha?" Napa-irap na lang ako ng biglang magtanong si lola.







"Of course to my friend la." Walang gana kong sagot.





The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now