Forty Seven

451 17 0
                                    

Ark Pov

Hindi ko na alam kung saan ako napadpad kakatakbo dahil hilam pa rin sa luha ang mga mata ko kakaiyak dahil sa pag-aalala kay mama.

"Yung cellphone ko!" Agad kong kinapa sa bulsa ko pero wala. "Naiwan ko nga pala." Napahinto ako saglit dahil sa matinding pagod at parang hindi ko na kayang tumakbo pa.

"Nasaan na kaya si mama?" Tanong ko na naman sa sarili ko dahil hindi ko maiwasang isipin ang kalagayan niya ngayon.

Shhhhh!

Namutla ako ng makarinig ako ng tunog sa may likuran ko kaya hindi ko na inabalang nilingon pa at agad tumakbo palayo.

"Ahhhhhhhhhh!" Hindi ko alam kung anong nangyari dahil bigla nalang akong mahulog sa kung saan at ramdam ko ang pagtama ng katawan ko habang nagpagulong-gulong ako. Naramdaman ko ang pagtama ng ulo ko isang matigas na bagay dahilan para makaramdam ako ng pagkirot nito at para akong nanghihina at kusa nalang ding pumikit ang mga mata ko at hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari saakin.
















___________

"Kase ano, nakakahiya naman parang hindi maganda na siyempre babae ako tapos lalake ka at nandito ako sa bahay niyo, parang iniuwi mo ako ganun."

"Hahahaha, don't worry it's okay to me. Besides my mother want you to stay with me."

"Awiee, pag-ibig na kaya ang aking nadarama."

"Wag mo na silang pansinin nandito naman ako eh."

"Arky naman eh!"

"My Reina."

Bigla akong nagising dahil sa panaginip ko. Agad kong inilibot ang tingin ko sa palagid at alam kong hindi ito ang bahay namin dahil semento ang dingding at napakaganda ang pagkagawa, halatang bahay ng mayaman ang kinaroroonan ko.

"That's what you get from me!"

"Kahit saktan mo pa ako wala ka ng magagawa dahil ako ang pinili ni Kurt!"

"Talaga lang ha? Bakit kung ikaw ba ang pinili bakit hanggang ngayon hindi ka pa rin niya nililigawan?"



Parang sirang plaka na nagplaplay lahat sa utak ko at paulit-ulit at lahat ng mga ala-alang nakalimutan ko bigla-bigla nalang bumalik lahat kaya natatandaan ko na ang lahat.


"Ahhhhhhh!" Napahawak ako sa aking ulo ng bigla akong makaramdam ng matinding kirot na parang gulong na umiikot lahat sa paningin ko. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko at pigil ng luha ko habang nakatingin sa kawalan.


"Ahhhhhhh!" Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa tindi ng sakit ng ulo ko na parang binibiyak. "Tama na!" Nahulog ako sa hinihigaan ko at agad akong umupo habang nakasandal sa dingding. Pigil hiningang sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa matinding sakit habang patuloy sa pagbabalik lahat ng ala-ala ko. Naaalala ko na nga lahat-lahat.


Ekkkk!

Pinilit kong tignan kung sino ang pumasok pero nanlalabo ang paningin ko at umiikot na rin ang paligid ko. Kahit blurred ay kitang-kita ko ang paglapit ng isang babae saakin bago ko ipikit ng tuluyan ang aking mga mata.


"Alon."




















**************
Author Pov

The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now