★Twelve★

475 49 0
                                    

Ark Pov

Agad akong nag-ayos para makisamba kasama ko si Lemi.

Nagsuot ako ng Black Jeans at White na of shoulder at pinaresan ko ng black sandals na one inches regalo ni Lemi sa akin nung birthday ko. Yung suot ko naman ay siyempre pinagpaguran ko ito para mabili.



Matapos kong gawin ang dapat kong gawin ay agad akong lumabas ng kwarto ko. Sakto rin pala ang paglabas ni Lemi mula sa kaniyang kwarto nakasuot din ito ng blue na dress at blue din na sandals one inch din tapos nakapusod pa ang buhok niya hindi gaya ko na naka pony lang ang taas ng buhok tapos nakalugay na ito. Mas maayos ang suot ni Lemi kung tignan kesa sa akin.



"Ganda natin ah." Nakangiting ani ni Lemi habang nakatingin sa akin pataas pababa. Aba! ginaya ko rin siya at tinignan ko siya pataas pababa.



"Sexy ah witwiw." Sumipol pa ito habang nakatingin sa akin kaya agad kong tinakpan ang sarili ko gamit ang dalawa kong braso.



"Ang manyak mong babae ka." Tinaas ko ang kamay para batukan sana siya pero agad siyang umiwas at tumatawang pumasok sa kitchen.


Sumunod na lang ako sakanya at sabay na kaming kumain dahil mag fifirst mass kami ni Lemi.



"Alam mo Ark." Agad akong tumingin kay Lemi ng bigla itong magsalita.



"Hindi ko alam." Pagbara ko sakanya habang kumukuha ng ulam.



"Malamang hindi ko pa nga nasasabi eh. Anyway 'yang si Tarra alam mo hindi ko bet ang ugali niya." Sabi not sabay subo ng kanin.


"Halata naman eh." Sagot ko sakanya.



"Pero lagi kong nakikita na ang sama ng tingin niya sayo, naku ampangit ng pakiramdam ko ha, feeling ko may gagawin yun na hindi maganda kaya ikaw mag-ingat-ingat ka sakanya." Sabi niya sabay duro sa akin ng tinidor na hawak niya. Kinuha ko naman agad yung kitchen knife na nasa tabi ko na ginamit kong nanghiwa sa kalamansi kanina.



"At dapat pati ikaw mag-ingat ka din baka mamaya makita na lang kitang nakabulagta diyan sa tabi-tabi o di naman kaya'y palutang-lutang na sa ilog habang hubo't hubad at wala ng buhay." Sambit ko kaya napalunok na lang siya sakanyang sariling laway dahil sa sinabi ko. "Nakita ko pa naman si Daniela na ang sama ng tingin niya sayo." Idinuro ko din sakanya yung kutsilyo kaya mapalunok agad ito ng sabay-sabay ng wala sa oras habang nakatingin sa kitchen knife na hawak ko.



"Ibaba mo nga 'yan, ang creepy mo nakakatakot ka." Sambit niya habang nakatingin pa rin sa kitchen knife na hawak ko. Natatawa na lang ako ng ibaba ko ang hawak ko at agad tinuloy ang pagkain ko.


Nang matapos akong kumain ay agad akong nagtoothbrush bago kinuha ang sling bag ko. Regalo din 'to ni Tita mama ni Lemi.



"Lemi bilisan mo!" Sigaw ko sakanya at agad lumabas ng apartment.




"Wait lang uy!" Sumisigaw ito habang nagmamadaling lumapit sa akin. Natawa na lang ako ng makita ko ang mga kapitbahay naming nakatingin sakanya mula sa kanilang bintana akala siguro nila may nangyayari na sakanya, ang  babaeng 'to talaga.


Agad kaming pumara ng taxi at sinabi namin na sa pinakamalapit na simbahan niya kami ibababa. Wala pa nga kaming alam kung saan banda ang simbahan kaya sinabi na lang namin sa mamang driver kung saan kami pupunta.



"Eto na po yung bayad kuya." Agad binigay ni Lemi ang pasahe namin sa driver bago kami pumasok sa loob ng simbahan. Sa pinto pa lang mahalata na ang magagarang salamin na ginamit at pati sa buong ambiance ang ganda.


The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now