★Twenty six★

471 43 0
                                    

Author Pov

Kasalukuyang naglilinis ang isang katulong sa mansion ng mga Cortez ng may nagdoorbell sakanilang gate kaya agad niya itong tinungo para sana pagbuksan kung sino mang nagdoorbell pero pag bukas niya ng gate ay wala namang tao tanging isang box lang na kulay white at may ribbon pa talaga na kulay pink.



Taka niya itong kinuha at nagpalinga-linga sa paligid kung may tao bang nang-iwan dun pero wala kaya kinuha na lang niya at pinasok sa loob, medyo may kalakihan ang box at hindi naman mabigat kaya nagtataka ang katulong kung ano ba ang laman ng box na hawak niya.




"Sino yung nagdoorbell manang?" Tanong ng kanyang amo at bahagyang tumingin sa hawak na box ng katulong.



"Hindi ko po alam ma'am, pag-bukas ko po ng gate tanging itong box lang ang nakita ko?" Sagot naman ng katulong at agad binigay sa amo ang hawak nitong box dahil alam niyang para sa amo nito ang box na iyon dahil may pangalan ito sa papel na nakadikit sa mismong box.




Agad siyang umupo sa katabi niyang glass chair at agad binuksan ang box pagkatapos magpaalam ang kanilang katulong. Mula sa loob ng box nakita niya ang isa pang white envelope kaya taka niya itong binuksan. Mula sa laman ng envelope ay isang sulat at dalawang picture, picture ng dalawang sanggol.




"Si Tarra 'to ah." Sambit nito habang nakatingin sa hawak niyang litrato. "Pero sino 'tong isa at bakit parang kamukha ni Raymond?" Taka niyang sambit sa isa pang litrato. Agad siyang kinutuban ng masama at agad inakalang baka anak ng asawa sa ibang babae pero agad din niyang inalis ang kung anumang pumasok sakanyang isipan.



"Hindi, hindi naman siguro magawa sa akin ng asawa ko ang lokohin ako." Sambit niya at agad binuksan ang sulat.


Hi Thalia

Kung nababasa mo ito sigurado akong nagtataka ka na ngayon kung bakit may dalawang litrato na nasa loob ng box hindi ba?


Nagtaka siya sa unang paragraph na nabasa dahil hindi niya alam kung ano bang gustong iparating ng kung sinong nagpadala ng box sakanya.



Alam ko naman na alam mong anak mo yung isa diyan, pero Thalia nakakasiguro ka bang ang kasama mo ngayon ay ang tunay mong anak.


Bigla siyang natigilan dahil sa sinabi ng kung sinong sumulat nun pero hindi siya basta-bastang naniniwala kaya pinagsawalang bahala na lang muna niya ito at agad tinuloy ang binabasa para matapos na.


Thalia, mag-isip ka ng mabuti kung ayaw mong tuluyan ng mawala sa'yo ang anak mo hahhaha.



Napagigil na lang siya ng matapos basahin ang sulat.



"Kung ano-anong sinasabi mo?" Inis na sabi niya pero hindi rin niya maitangging nagdadalawang isip siya kung dapat ba siyang maniwala o hindi dahil kahit siya ay nararamdamang parang hindi si Tarra ang anak niya na niluwal niya pero hindi rin naman basta-bastang maniniwala na lang sa kung sinong poncho pilatong nagpadala ng box at kung ano-anong sinasabi.



Krug! Krug! Krug!



Natigilan siya ng magvibrate ang cellphone niyang nakapatong sakaniyang binti dahil nakadekwatro siya habang hawak ang box, agad niyang kinuha ang cellphone at tiningnan kung sinong nagtext sakanya. Nangunot ang noo niya ng makitang unregistered number ang nakalagay sa message nito pero kahit ganun binuksan pa rin niya ito at agad binasa ang text messages.



[Isa ako sa saksi sa pagpalit sa anak mo kaya kung ayaw mong maniwala na sa'yo na ang desisyon hindi sa akin total anak mo naman eh hahaha, pero Thalia hindi ka ba magsisi-sisi kung sakaling hindi mo nga talaga anak ang kasama mo tapos ipapamana mo ang yaman mo tapos yung totoo mong anak naghihirap pa rin, wala kang puso kung ganon Thalia.]



The True Heiress [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon