Thirty Five

434 34 3
                                    

Continuation.......

Mabilis na rumesponde ang mga pulis ng biglang may sumabog sa may likod ng bodega. Pero wala na kaming pake dahil dinala na ng ambulansya sina Ark at Lemi. Galos lang ang natamo ni Lemi kaya nakahinga ako ng maluwag pero si Ark naaawa ako sakanya mukhang hindi maganda ang kalagayan niya sana lang makayanan niya.

"Ano na kayang nangyari sa mga yun?" Sambit ni Ace habang tahimik naman si Kurt na nagmamaneho patungo kami ngayon sa hospital.

"Sana mahuli na ang tatlong magkakaibigan na yun at sana makulong sila kahit man mapera sila alam kong hindi papayag si Kurt na hindi nila pagbabayaran ang ginawa nila kay Ark." Sagot ko sakanya.

"Yeah you right. Knowing Kurt he's like a devil when the topic is his love one especially now." Sambit naman niya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ng tatlong yun para gawin nila iyon kay Ark at Lemi.

Nanahimik na rin kami ni Ace hanggang sa nakarating kami sa hospital ng mga Cortez. Tila nang-aasar ang king-inang ambulansya na 'to bakit dito pa niya dinala kung ang dahilan ng nangyari ay ang anak ng may-ari ng Hospital na 'to. Pero wala na kaming magagawa ito ang pinakamalapit na hospital baka maubusan pa si Ark ng dugo. Agad kaming sumunod sa loob ng ipinasok nila si Ark sa O.R habang sa E.R naman kay Lemi at hindi ko alam kung bakit wala siyang malay kaya agad akong sumunod pero agad akong hinarangan ng nurse.

"Takte papasukin niyo ako ano bang nangyari sakanya?" Inis kong sambit at halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

"Wag kang mag-alala sir nawalan lang siya ng malay dahil sa matinding pagod." Sagot nito kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Damn-it!" Napatingin ako kay Kurt ng suntukin niya ang pader habang nasa likod naman niya si Ace  habang tinatapik ang balikat nito.


"Everything will be okay." Sambit ni Ace pero hindi parin nagbabago ang galit na mukha niya.

Nakatunganga kaming tatlo habang hinihintay ang resulta ng operation. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa tatlong yun tsaka si Raven nasaan na kaya ang babaeng yun.



BOGSSSS!!!

Sabay-sabay kaming napalingon dahil sa marahas na pagbukas ng pintuan at mula doon pumasok ang humahangos na si Raven. Kahit nagtataka ako tila wala akong paki-alam kung bakit ganun siya dumating at gaya ko si Kurt tila walang pake sa paligid niya samantalang lumapit naman si Ace kay Raven. Fiancee niya eh kaya malamang mag-alala din yan.



"Anong nangyari?" Agad nitong tanong.


"Sina Tarra nasa Presinto at kinakasuhan sina Ark at Lemi sa kasong pagtakang paggahasa sakanila at pagpatay." Sagot nito dahilan ng pagkunot ng noo ko.



"What the fvcking hell!" Nagulat ako ng biglang tumayo si Kurt at walang pakundangang lumabas ng hospital.


Nais ko sanang sumunod sakanya pero gusto ko kaseng malaman ang nangyari sa dalawa. Hindi ako mapakali hangga't hindi sila nagiging okay.


"How did this happen?" Sambit ni Ace.


"Nu'ng sumabog ang bodega may tatlong lalakeng armado ang kumidnap sakanila buti nailigtas sila ng mga pulis tapos ng pumunta sila sa Presinto sinabi nila na inutusan ni nina Ark at Lemi ang tatlong lalaki para dukutin sila buti na lang nakaligtas sila. Nagsalita na rin ang tatlo at inamin ang totoo kaya ngayon nasa labas na ang mga pulis para arestuhin ang dalawa sakaling magiging okay na sila." Mahabang paliwanag ni Raven.


"ANOOOO!" Tang-ina pala ang mga pulis na yan di man lang iniimbestigahan ng mabuti bago sila gumawa ng hakbang.


"Paano na sina Ark." Naluluhang sambit ni Raven. Niyakap naman siya ni Ace upang pakalmahin dahil namumutla na rin ito dahil sa pag-aalala sa dalawa niyang kaibigan.


The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now