★Twenty Five★

494 46 2
                                    

Still Ark's Pov

Tahimik lang kami ni Lemi papasok sa paaralan ewan ko nga ba sakanya Kung bakit ang tahimik niya ngayon, nakakapanibago dati-dati pag pumapasok kami halos basag na ang eardrums ko sa kakasigaw niya pag pumapara ng taxi.



"May problema ba tayo?" Siniko ko siya pero umirap lang ito.


"Walang tayo, please Arky wag mo muna akong kausapin pag nagsasalita kase ako nafefeel ko na parang falls na lumabas." Sabi niya, napataas ang kaliwang kilay ko at napangiti na lang mukhang wala siya sa mood. Hindi ko na lang siya inimik pa hanggang sa tuluyan kaming nakarating sa aming patutunguhan.



Ibinigay ko sa driver ang pamasahe namin at sabay kaming pumasok sa loob. Napatigil ako ng maalala ko na naman ang nangyari sa akin, hindi ko kase maintindihan ang babaeng 'yun nakakaimbyerna.



"Tignan mo nga naman ang mga malalanding nilalang." Sambit ni Lemi habang nakatingin sa dalawang naglalampungan sa may likod ng mga halaman, kitang-kita namin mula dito sa aming kinatatayuan dahil malapit lang naman sila sa gate.



Mula sa aming kinatatayuan dinig na dinig ang ungol ni Tarra habang hinahalikan siya ng lalake sakanyang maselang parte ng katawan. "Hindi man lang sila mahiya sa public pa talaga ginagawa." Napailing na lang ako at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa hallway.



"Oo nga eh hindi man lang sila nahihiya sa mga taong tumitingin sakanila, grabe wala bang rules sa paaralan na 'to na bawal ang mga malalandi gaya ng demonyong 'yan." Hanggang ngayon galit na galit pa rin siya dahil sa nangyari sa akin, nakwento ko kase sakanya ang totoong nangyari at kung sinong may gawa nun sa akin kaya ayun halos gusto na niyang sugudin ang babaeng yun sa tuwing makikita niya.



"Hello baby." Sabay kaming napalingon ni Lemi ng marinig namin ang boses ni Kyler na papalapit sa amin.




"Don't call me baby, hindi kita Jowa." Inis na sabi ni Lemi pero hindi ito pinansin ni Kyler dahil lumapit pa ito at agad niya itong inakbayan hindi naman umangal ang babaita, gusto rin naman pala nag-iinarte lang.




"Oh sige liligawan na kita para maging jowa na kita, ay mali sasagutin mo na pala ako para maging tayo na." Malambing na sabi ni Kyler habang naka-akbay kay Lemi, halos ako ang nahiya dahil para akong tanga na nakasunod lang sa dalawang magkaakbay.




Para hindi ako makastorbo sakanila mas binilisan ko na lang ang paglalakad para maiwan sila kakahiya naman daw sa aking single.




"Aykabayonggwapo!" Napasigaw ako ng may biglang humila sa akin at agad niya akong niyakap patalikod at dahil sa pagsigaw ko nagtinginan ang nga estudyante sa amin.



Piste sino ba kaseng hudas ang yakap sa akin bigla.



"I miss you." Nagtayuan ang mga balahibo ng batok ko ng maramdaman ko ang hininga niya grr eto na naman yung parang kinikiliti na feelings.


"Ano ba Alon bumitaw ka nga diyan, nakakahiya sa mga estudyante." Inis kong sambit sakanya, alam kong siya dahil naamoy ko ang familiar na pabango na tanging siya lang ang gumagamit.


"Don't mind them." Sambit niya at agad kumalas pero ganun na lang ang gulat ko ng hawakan niya ang kamay ko at agad niya akong hinila papasok sa room namin. Hindi ko mapigilang mamula dahil nakahawak kamay kami inshort nakaholding hands kami pero sa tuwing may mga tumitingin sa amin lalo na sa kamay naming magkahawak nakakaramdam pa rin ako ng hiya, kahit sino naman mahihiya lalo na pag hindi sanay.



The True Heiress [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora