Fifty one

485 23 0
                                    

Continue....

Agad akong nagdoorbell ng makarating kami ng mansion nila Kurt.



"Ito na ba ang mansion nila Kurt?" Hindi makapaniwalang sambit ni Lemi habang nakatingin sa mataas na tarangkahan ng mansion.



"Oo nga, kung hindi ito bakit tayo nandito? Tsaka bakit ako nagdodoorbell sa hindi ko kilalang bahay." May inis na sagot ko sakanya dahil kanina pa siya tanong ng tanong dahil hindi makapaniwala sa nakikita kung gaano kalaki ang mansion nila Kurt.


"Grabe kalahati lang ata ng bahay namin ang mansion nila, pati gate mukhang hindi basta-bastang akyatin." Manghang sambit niya habang nakatingin sa paligid na para bang hindi nakakakita ng malaking at mataas na gate dahil amaze na amaze siya habang nakatingin sa kaharap na gate.



"Bakit may balak ka bang akyatin ang bahay nila?" Tanong ko sakanya sakto rin naman ang pagbukas ng gate at pinapasok kami ng guard nila dahil kilala na niya ako.




"Pasok lang po kayo sa loob ng mansion mga ma'am." Magalang niyang sabi kaya nagpasalamat ako sakanya bago namin siya lagpasan.



Papasok palang kami ng entrata ng mansion ng salubingin kami ng isang katulong na may pagkamaldita. Siya ang katulong na sinasabi sa akin ni Kurt noon na may pagtingin ata sakanya dahil titig na titig bagay na napansin ko naman noong nandito ako.



"Anong kailangan nila?" Tanong niya na para bang ayaw niya kaming papasukin dahil sa tono palang ng pananalita niya.


"Pwede ba papasukin mo muna sila Febilyn, baka may kailangan sila." Narinig ko ang sinabi ng isang katulong pero parang hindi narinig ng katulong dahil tinaasan lang niya kami ng kilay.


"Sinong kailangan niyo?" Mataray na tanong niya.



"Kapag 'yan hindi umalis sa harap ko pasasabugin ko ang bungo niya! Nakakagigil ah akala naman niya pagmamay-ari niya ang mansion kung umasta!" Gigil na bulong ni Lemi sa akin kaya hinawakan ko ang braso niya para pakalmahin siya.

"Hayaan mo na, mukhang may dalaw kaya masungit." Pabulong kong sambit sakanya. Tumingin ako ng seryoso sa katulong habang nakatingin sa amin ni Lemi na hinihintay ang sasabihin namin.


"Si Tita Weyn gusto namin siyang maka-usap." Sagot ko sakanya.


"Wala siya rito, umuwi na kayo dahil wala ang sadya niyo. Nasa japan si ma'am dahil namatay ang anak niya." Seryosong saad niya dahilan para matigilan ako. Para bang may pagsabog na malakas dahil nabingi ako dahil sa narinig.


"Kahit kailan ka talaga Febilyn napakasama ng ugali mo! Tignan ko lang kung hindi ka pa aalis sa mansion na ito kapag sinabi ko kay ma'am na nais mong mamatay ang anak niya!" Narinig kong sambit ng isa pang katulong kaya nagpantig ang tenga ko sa narinig. Umusbong ang galit ko sa nagngangalang Febilyn na ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang mataray niyang mukha.

"Hindi ko sinabi iyon dahil gusto kong mamatay ang boss ko, sinabi ko lang iyon dahil ayokong umasa pa ang babae na iyan sa amo natin. Hindi siya bagay sa amo natin dahil mahirap lang siya." Sambit niya dahilan para magalit ako. Agad akong sumugod sakanya at agad sinabunutan.

"Walang hiya ka! Wala kang karapatang sabihin iyan sa akin. Wala kang karapatang sabihing patay na ang lalakeng mahal ko kung ayaw mong ikaw ang patayin ko! Oo lumaki ako sa hirap pero alam ko kung paano rumespeto! Ikaw ba mayaman ka ha?" Gigil ko siyang sinabunutan na agad naman din itong gumanti pero nagulat ako ng biglang sumali si Lemi at sinabunutan din ang katulong kaya ang ending pinagtulungan namin ang katulong na akala naman niya may pinagmamalaki.



The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now