★Thirty Three★

418 39 0
                                    

Lemi Pov

"AHHHHHHHHH!"

Halos maiyak na ako sa awa ng marinig ko ang malakas na hiyaw ni Ark at alam kong sobrang sakit na ang nararamdaman niya. Hindi ko kayang makita siyang nahihirapan at kahit man nakatalikod kami sa isat-isa ramdam ko pa rin ang matinding sakit na dulot ng paghampas sakanya ni Tarra. Wala akong magawa para tulungan siya lalo na't nasa harapan ko ang dalawa habang tumatawa sa ginagawa ng kaibigan nila sa kaibigan ko. 


"TAMA NA PLEASE! MAAWA NAMAN KAYO SA KAIBIGAN KO!" Pasigaw kong sambit at sunod-sunod na ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata. Hindi mo mapigilang mapa-iyak dahil hindi kaya ng kalooban ko na marinig ang paghiyaw ni Ark, ang mga mahihinang pagdaing niya ang nagdudulot sa akin ng sakit at takot para sakanya.



"Saka kase kayo magyabang kapag may ipagmamayabang kayo ha!" Tumatawang sambit ni Daniela habang nakatingin sa akin. "Kawawa ka naman umiiyak na lang dahil walang magawa para sa kaibigan niya hahaha." Tumatawang sambit niya. Matalim na tingin ang pinukol ko sakanya at galit na galit akong nakatingin sakanya. Pinapatay ko siya ng paulit-ulit sa aking isipan at gusto ko iyong gawin kapag nakawala ako sa pesteng tali na ito. Humanda kayo mga bwisit kayo.



"Para hindi ka mainggit ikaw naman na ang papahirapan namin habang wala pang malay ang kaibigan mo. Diba masaya 'yon." Nakangiting sambit ni Daniela at agad kinuha ang tubo na ginamit ni Tarra kay Ark at mula doon nakita ko ang konting dugo na naipahid doon kaya alam kong kay Ark ang dugo na 'yon.




"MGA WALANG HIYA KAYO! MGA DEMONYO KAYO! ANONG GINAWA NIYO SA KAIBIGAN KO!" Gigil kong sigaw at halos maputol na ang litid sa aking leeg dahil sa sobrang galit ko sakanila. Kung hindi lang ako nakagapos malamang pinaghahampas-hampas ko na din silang lahat hanggang sa mabasag ang bungo nila.



"Oh galit ka na niyan hahahah. Poor girl." Tumatawang sambit ni Daniela bago niya ako hampasin sa aking braso dahilan para mapahiyaw ako. Damn kapag talaga ako naka-alis dito humanda kayo sa akin talagang pagpira-pirasuhin kayo, mga king-ina niyo.



"Para hindi ka na masyadong mahirapan sa ulo mo na lang kaya kita hahampasin at ng mawala ka na sa landas namin ni Kyler." Sambit niya. "Tama ganun na lang para one shot lang hahaha." Natutuwang sambit niya at akmang ihahampas ang tubo kaya napapikit na lang ako.


BOGSSSSSS!!!!!!!





































****************
Raven Pov

Halos kalahating oras na akong naghihintay dito sa garden pero walang Lemi at Ark ang dumating. Ang sabi nila mag-papasa lang sila ng test paper sa faculty room pero bakit hanggang ngayon wala pa sila.

Napabuntong hininga na lang ako bago naglakad palabas ng garden. Tahimik kong binabagtas ang mahabang hallway habang naririnig ko ang mga ingay mula sa mga estudyanteng nag-kalat dito sa campus. Napakunot noo ako ng makita ko ang isang kwentas na hugis crown.

"Kay Ark 'to ah." Pinulot ko ang kuwintas at tinitigan ng mabuti. Bakit naman kaya napunta dito ang kuwintas? Walang masyadong tao ang nagagawi dito kaya hindi nila nakita at buti na lang ako ang nakakita, kung hindi baka hindi na maibalik pa sakanya ang kuwintas niya. Inilagay ko sa bulsa ng palda ko at agad naglakad.


"Hoy nabalitaan mo ba 'yung nangyari kanina?"

"Ang alin."

"May nakakita daw na kinidnap daw ang dalawang studyanteng scholar."

Napakunot noo ako at bahagyang tumigil sa paglalakad para mas marinig ko pa kung anong pinag-uusapan nila.

The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now