★Twenty★

487 45 0
                                    

Author's Pov

Time is up hahaha.

Nakangising  nakatingin ang isang lalake sa tv habang nanonood ng news tungkol sa pamilyang Cortez na ngayon ay ina anunsyo na ang tungkol sa isa ring tagapagmana nito.


"Tunay ngang mayaman hahahaha, walang duda kayang-kaya niyong bayaran ang nais ko hahaha." Tumatawa ito habang umiinom ng pinakapaborito nitong wine, wine na galing sa bansang japan.



[Boss nagawa  na po namin ang ipinapagawa niyo."] Sambit ng kaniyang tauhan mula sa kabilang linya.



"Good, bravo bwahhahah." Hindi niya maiwasang matuwa sa binalita ng kaniyang tauhan sakanya, isa lang kase ang nasisiguro niya 'yun ay ang kaniyang tagumpay na plano.



"Thalia Cortez, Tarra Cortez, Mariette Perez and Ariela Perez. Alin ba sainyo ang matutulungan ko o pagkakaperahan ko lang hahahaha." Nakangisi itong uminom ng wine habang nakatingin sa tv.




Sa mahabang panahong hindi naibigay ang pinangako sakanya ngayon siya babawi at sisiguraduhin niyang wala na itong dahilan para hindi makuha ang ninanais.



"Tik tak, tik tak..... Konting tiis na lang makukuha ko rin ang nais ko pero pag hindi ka tumupad sa usapan, sorry ka na lang dahil magpapaalam na siya sa kayamanang ninais mo para sakanya. Ang utang ay utang na dapat bayaran kaya pag hindi mo nabayaran alam mo na ang kabayaran."  Sambit nito sa isip niya.



"Saka na ang pamilyang De-vera kapag may sapat na akong pera mula sa dalawang pamilya. Alam kong malabo na maibigay niya ang pinangako niya kaya gagawin ko kung anong gusto ko. Alam kong hindi basta-basta mapapaniwala si Thalia pero hindi ako mawawalan ng pag-asa ng basta-basta." Sambit niya bago sumimsim ng wine.






















******************

Ark Pov

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon dito sa parke dahil gusto kong libangin ang sarili ko. Nababagot kase ako sa bahay dahil wala naman akong kasama tsaka bukas pa lang ang alis namin pabalik ng maynila ni Lemi kaso hindi ko alam kung makakapunta pa ba ako. Wala na ang perang naipon ko eh, mga 10 thousand yung naipon ko pero kinuha lahat yun ni mama. Iba yung laman ng pitaka ko na kinuha niya kahapon at talagang lahat kinuha niya kaninang umaga bago umalis. Pinaghirapan ko din 'iyong inipon nu'ng nagsummer job ako pero kinuha lang ni mama.



Napatigil ako sa paglalakad ng may maramdaman akong kakaiba parang may nagmamasid sa akin mula sa malayo, mabilis akong nagpalinga-linga para siguraduhin kung totoo nga ang hinala ko pero wala naman. Tanging mga masasayang pamilya ang nandito habang naglalaro kasama ang kanilang mga magulang.




Hindi ko maiwasang mainggit sa mga nakikita ko, palagi ko na lang hinihiling tuwing birthday ko na sana makilala ko na rin ang mga totoo kong mga magulang para maramdaman ko naman ang may pamilya pa ako. Yung masasabi mong may pamilya ka na nagmamahal sa'yo yung pareho ka nilang susuportahan sa lahat ng mga pangarap mo, yung gagawin ang lahat para lang maging masaya ka pero paano naman mangyayari 'yun kung kahit ni pangalan nila hindi ko alam.




Umupo ako sa isang duyan at agad tumingin sa paligid ko. Sa libo-libong tao dito sa mundo sino kaya ang natatanging lalake ang nakatakda rin para sa akin.




Hindi ko maiwasang mapatawa sa naisip ko habang nakatingin sa mga mag-asawang nagsasaya kasama ang kanilang mga anak. Si Kurt kaya kumusta na rin kaya yun? Teka bakit ko ba kase iniisip yung baka magalit pa sa akin ang demonyo niyang girlfriend eh mahirap na.



The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now