★Eight★

553 53 0
                                    

Lemi Pov

Pagkatapos naming mananghalian ay dito kami sa garden ni Ark tumambay. Wala eh dito lang ang alam naming pagtambayan na walang masyadong tao.



"Wait lang Lemi naiihi ako." Agad na tumayo si Ark kaya pati ako ay tumayo na rin.





"Sama ako." Agad kong sabi at sumunod sakanya.





Agad kaming pumasok sa cr pero napatigil kaming dalawa ng may narinig kaming nag-uusap sa iisang cubicle. Mabilis akong hinila ni Ark at pumasok rin kami sa isang cubicle malayo sakanila. Isang cubicle lang ang pagitan namin at sakanila.




"So totoo nga ang balita." Someone's said at sa pagkakakilala ko sa boses niya ay si Marga ang nagsalita.




"Yes kaya pala sila nagtransfer dito dahil may hinahanap si Kurt." Boses naman ngayon ni Daniela iyon. So ibig sabihin ang tatlong demonyo pala ang nandiyan.






"Anong pinag-uusapan nila at sino ang tinutukoy nila?" Mahinang sambit ko pero agad ko ding tinikom ang bibig ko ng makita ang nagbabantang tingin ni Ark.





"Ano nga ulit ang pangalan na hinahanap ni Kurt?" Sambit naman ni Tarra.




"Reina daw ang pangalan at kababata niya." Sagot ni Marga.





Napatakip ako sa bibig ko sa narinig kaya automatic akong napatingin kay Ark na ngayon ay parang natuod sa kinatatayuan dahil sa narinig. Reina sinong Reina? Hindi kaya si Ark.






"Anong plano mo?" Tanong ni Daniela.






"Simple.. sasabihin kong ako si Tarra Jade Reina Cortez at sa pamamagitan ng tulong niyo malalaman ito ni Kurt na ako ang hinahanap niya." Sagot ni Tarra.




A desperate girl like her is so damn malandi, makati, kaladkarin, madumi at kung ano-ano pang bagay na itawag sakanya. Sa tingin niya ba hindi rin malalaman ni Kurt na fake siya as in magpapanggap siya tss.





"How?" Tanong naman ni Marga Margarita.





"Of course kayo ang magpapakalat na ako ang hinahanap ni Kurt.. it's easy as simple gets niyo?" Sabi niya akala ko may pag-uusapan pa sila pero wala na kaming narinig pa kundi ang tunog ng pinto na senyales na lumabas na sila.






Tumingin muna ako kay Ark na ngayon ay parang na pipi dahil walang lumabas na boses sa bibig niya habang lumuluha siya. Naawa naman ako sakanya alam ko kase na sobrang mahal niya ang kababata niya pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hinahanap ni Kurt ang nagngangalang Reina at kung sakaling siya man ang kababata ni Ark ibig sabihin nagkita na nga sila.







"Ark okay ka lang?" Tanong ko sakanya. Hilam ang mga matang tumingin siya sa akin at mahinang tumango ito. Niyakap ko na lang siya baka sakaling gumaan ang pakiramdam niya.



"Makikita mo rin siya Ark. Kung sakali man na siya ang kababata mo edi masaya, wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano pa dahil kung talagang mahalaga ka sakanya malamang malalaman din niya ang totoo." Sambit ko at marahang hinahagod ang likod niya.
























**************

Ark Pov

Tahimik akong nakahiga habang nakatingin sa kisame. Iniisip ko pa rin ang narinig namin kanina totoo kaya 'yon.



The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now