★Twenty Nine★

447 40 4
                                    

Continuation...

Masaya kaming nagkwekwentuhan ng mama ni Alon dahil pala-kwento rin pala siya, marami na rin akong nalaman tungkol kay Alon.

"Tapos alam mo ba Iha, 'yang si Kurt ayaw kumain ng kalabasa." Sambit ni Tita.

"Bakit naman po?"Tanong ko pero sa totoo lang hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil ang isang mayamang Alon hindi kumakain ng kalabasa.


"Pangit daw ang lasa." Sagot naman ni Tita, natawa na lang ako dahil dun.



"Mom." Kunot-noong sambit ni Alon kaya sabay kaming napalingon ni Tita kung saan siya, nakatayo siya sa pintuan habang nakatingin sa aming dalawa ng mama niya.



"Where's your father?" Tanong agad ni Tita sakanya ng lumapit ito sa amin at agad umupo sa tabi ko.



"He's busy, anyway that's good to me." Sagot ni Alon kaya nagtaka naman ako, good? Paanong naging good? Good dahil busy ang papa niya ganun!



"Oh sige maiwan ko na muna kayo diyan mga anak at maghahanda ako ng ating makakain, ay oo nga pala Ark Iha dito ka na rin matutulog dahil gabi na." Sabi ni Tita kaya agad akong umalma.


"Po pero wala po akong damit, kagagaling ko lang po sa trabaho kanina kaya po hindi pa ako nakapagbihis." Agad kong sabi, ayoko namang makitulog dito nahihiya ako.



"No problem Iha, I have my extra at bago pa ang mga 'yun kaya wag kang mag-alala." Sabi niya, aalma pa sana ako dahil hindi ko talaga bet ang matulog dito pero tuluyan ng nakaalis si Tita kaya wala akong nagawa kundi bumuntong hininga na lang.


"Mabuti pa dito ka na lang magpalipas ng gabi, I take you home tomorrow besides linggo naman bukas kaya walang problema." Sabi naman ni Alon.



"Pero kase, ano kase."napakamot na lang ako sa aking batok dahil nahihiya akong aminin na nahihiya akong makitulog dito.



"Ano?" Nakataas ang kaliwang kilay niya at hinintay ang sagot ko, namula na lang ako dahil sa naisip ko.




"Kase ano, nakakahiya naman parang hindi maganda na siyempre babae ako tapos lalake ka at nandito ako sa bahay niyo, parang iniuwi mo ako ganun." Sagot ko at yumuko para hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko dahil sa matinding hiya.




"Hahahaha. don't worry it's okay to me, Besides my mother want you to stay with me." Nakangiting sabi niya ng tumingin ako sakanya, hinampas ko na lang siya sa braso dahil kung ano-anong sinasabi.


"A-ano? Wala naman sinabi si Tita na mag-stay ako sa tabi mo." Sabi ko sakanya pero ngumisi lang siya ng nakakaloko, natigilan tuloy ako lalo na ng kinagat pa niya ang ibabang labi niya.



"Hey." Napabalik ako sa sarili ko ng pitikin ni Alon ang noo ko, napanguso na lang ako ng makita ang nakakalokong ngiti niya kaya nakikita na naman ang nag-iisang dimple niya. Kainis naman 'to nag-iimagine ako eh panira ng moment.



"Sir, ma'am meryenda po muna kayo." May biglang dumating na katulong at bitbit ang tray, agad niyang nilapag sa mesang nasa harapan namin ni Alon. Dalawang baso ng juice at dalawang plates na may lamang slice cake na strawberry. Agad akong natakam kaya walang ano-anoy agad kong kinuha ang spoon at agad tinikman ang cake.




Napatingin naman ako kay Alon ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa, agad din siyang kumuha sa cake at agad kinain, may kalakihan ang slice ng cake na sinubo niya kaya may naiwan pang kalat sa ibabang labi niya. Napanganga na lang ako ng makita ko ang dahan-dahan niyang pagdila sa naipahid sa ibaba ng labi niya, parang nag-slow mo ang paningin ko at biglang nagblurr ang mga nasa paligid ko na parang si Alon lang ang nag-eexist. Kumembot-kembot pa ang labi niya kaya wala sa sarili napakagat din ako sa aking labi. Jusko ilayo mo po ako sa tukso.




The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now