Forty Four

428 19 2
                                    

A/N: Paalala ulit sa mga readers ko wag niyong husgahan ang story na ito dahil hindi wala namang masyadong nakakakilig na scene ng mga bida. Oo at alam ko iyon pero ang story po kase na ito ay tinutukoy sa buhay ng bida na kahit anong hirap ng buhay at kahit anong pasakit ang mararanasan niya handa siyang magpatawad para sa buhay na hinahangad niya at ang love story nila ni Kurt aabangan niyo nalang kung paano uusbong ang pagmamahalan nila.


************************
Tarra •Pov•

Muntik ko ng masipa ang upuan sa harap ko pagkatapos kong malaman na wala na pala sina Ark dito sa Manila at kakaalis lang ng kaibigan niya pabalik sa probinsya nila. Mabuti nalang at kahit papaano may isip ang mga inutusan ko kaya nasundan nila si Lemi.


"I think magtatagumpay naman ang mga alaga mo na alisin si Ark sa landas niyo ni Kurt." Daniela said na sinang-ayunan naman ni Marga.


"Yes you are right and I hope na magawa nila ng maayos." I said tho before drinking my wine.




"Sa susunod na araw na ang event kung saan ipapakilala ka na ng mga magulang mo so sana magiging magandang balita ang ibabalita ng mga alaga mo." Sabi ni Marga that's why I smirked. Yes she's right at kapag nangyari iyon sigurado ako na magiging masayang araw ko iyon.



Walang kahit na anong gusto ko ang hindi ko nakukuha pero si Kurt lang ang nagustuhan kong ang hirap makuha at dahil yun sa pesteng Ark na yan! Kaya kung mawawala siya magiging akin na rin si Kurt at wala na akong kahati sakanya and even those Wealthy that I want it's mine. I know na hindi ako ang tunay na anak so para siguradong sa akin mapupunta ang kayamanan dapat makuha ko na ito ng maaga at salamat sa tulong ni Christian dahil mas napa-payag ko sina Daddy na ipakilala na nila ako as a heiress ng mga Cortez at kapag nangyari iyon makukuha ko na ang manang nararapat sa akin.


Flash back

Kunot noo akong nakatingin sa kawalan dahil hindi ko lubos maisip kung bakit mas pinanigan ni kuya ang mahirap na iyon kesa sa akin na mismong kapatid niya.


Bwisit na bwisit ako habang naglalakad palabas ng hospital dahil kahit anong gawin ko hindi ko maalis-alis si Ark sa daanan ko at dahil iyon mismo kay Kurt.


"Arff! What I suppose to do!" Inis kong sambit bago binuksan ang kotse ko.



"Ahhhhhhh!" Napasigaw ako ng may lumabas na tao mula sa back seat ng aking sasakyan and he looking at me dangerous.


"Hello Tarra ang unica Iha ng mga Cortez." He greet me while those eyes is still dangerous that send me shiver to my spine.



"Sino ka? At bakit ka nandito sa sasakyan ko?" Lakas loob kong tanong sakanya but he smirking me. Kainis akala naman niya madadala niya ako sa paganya-ganyang ngiti! Duh I'm more dangerous than you idiot!



"Sabihin mo na lang na ako ang nakakaalam ng lahat." Sagot nito. "Just start your engine and go to the safest place kung saan malalman mo ang mga nais mong malaman." Nakangising sambit niya at gaya ng sabi niya nagpunta nga kami sa bakanteng lote malayo sa mataong lugar.


"Now tell me all you got!" Utos ko sakanya na ikinahalakhak niya.



"Ofcourse but promise me na paniniwalaan mo lahat ng sasabihin ko!" He said that's why I rolled my eyes.


The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now