Fifty Two

532 20 0
                                    

Ark Pov

Balik skwela na ako at mahigit isang buwan na noong dumalaw kami sa bahay nila Kurt pero hanggang ngayon wala pa akong balita sakanya, sa pamilya niya and even Kyler hindi man lang maka-usap ang kaibigan niya kahit sa video call man pero wala.



"Hey what are you looking for?" Napabalik ako sa aking sarili ng kalbitin ako ni Ace sa aking tagiliran. Napakunot noo akong tumingin sakanya dahil seryoso siyang nakatingin din saakin.



"What?" Taka kong tanong sakanya.




"What do you think if I don't push Raven away, it might be possible that I will be a good dad to my child?" Tanong nito at ramdam ko ang lungkot sa boses niya kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong makonsensya dahil alam ko kung nasaan si Raven. Alam kong hinahanap niya si Raven ilang months na pero as a friend hindi ko kayang talikuran ang pangakong binitawan ko kay Raven noong maka-usap ko before bumalik ang memorya ko. Nakaka-usap ko naman siya pero madalang nalang at hindi ko maiwasang maawa sakanya kapag nakikita kong umiiyak sa tuwing mababanggit ang pangalan ni Ace, malaki ang kasalanang nagawa ni Ace sakanya at alam kong pinagsisihan na niya ito pero wala ako sa posisyon para maki-alam sa desisyon ni Raven lalo na't siya ang nasaktan.




I'm sorry Ace kung pinaglilihiman ka namin.





Kaming tatlo lang ang nakaka-alam kung nasaan si Raven except sa pamilya niya. Ewan ko lang kung bakit hindi malaman-laman ni Ace kung nasaan si Raven samantalang nandito rin naman siya sa parehong bansa, unless may humaharang sa ginagawa ni Ace para hindi niya mahanap si Raven.





"Siguro, pero sigurado akong kaya mong maging mabuting ama." Sagot ko sakanya.





"You th-




"Nandito lang pala kayo." Sabay kaming napalingon ni Ace at nakita namin ang dalawang magkasintahan na palapit sa pwesto namin.






"Bakit?" Agad kong tanong ng makalapit silang dalawa.





"Nais ko lang naman sanang ipaalala sa'yo Ark na kailangan mo ng bumili ng dress na gagamitin mo mamayang gabi, baka naman ngayon handa ka na?" Hindi ako naka-imik sa sinabi ni Lemi dahil sa totoo lang hindi ako handa sa gaganaping event para ipakilala ako bilang taga-pagmana ng mga Cortez, kapag naipakilala na ako ibig sabihin sa mansion na nila ako maninirahan. Noon pa man pinipilit na ako nila lola at kuya na tumira sa mansion kasama sina mommy at daddy, yes I call them mommy and daddy dahil iyon ang request nila before akong payagan na tumira muna sa apartment namin ni Lemi para makapag-isip-isip. Isang buwan ang binigay nila sa akin para makapag-isip at maka-adjust kaya wala na akong magagawa kung sakali man na sabihin nila mommy na doon na ako tumira.




"Sige," pagpayag ko dahil hindi talaga tumigil si Lemi sa kakakulit sa akin para lang pumayag ako sa gusto niyang bibili kami ng dress pero ngayon wala ng atrasan. Kung tinatanong niyo kung nasaan si mama ayon umuwi na ng Laguna, naki-usap nga ako na sana makapunta siya sa event mamayang gabi pero ang sabi pag-iisipan daw niya at umaasa ako na sana dumating siya. Si Tarra naman hindi ko alam kung nasaan na siya dahil naglaho nalang siya na parang bula kaya pinapahanap na siya nina kuya dahil kahit papaano alam ko naman na mahalaga sakanila si Tarra kaya kahit man may kasalanan siya sakanila, saakin mahal pa rin nila ito gaya ko wala akong hindi kayang gawin para kay mama.





Flashback

Tahimik lang akong nakatingin kina Mrs Cortez na ngayo'y kinaka-usap ang mga pulis dahil gusto nilang ipakulong si mama pero hindi ako makapayag kaya gagawa ako ng paraan para hindi makulong si mama.


The True Heiress [Completed]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum