★Fifteen★

461 47 0
                                    

Thalia Pov

"Ma dumating na ba si Tarra?" I asked my mom before I'm going to kitchen.

"Wala pa." Sagot nito habang nakasunod sa akin. Agad kong binuksan ang ref at kumuha ng gatas at agad nagsalin sa baso.


"Bakit ganyan ang anak mo Thalia hindi ko alam kung kanino ba nagmana 'yan." Sambit ni mama at agad ding kumuha ng gatas sa may ref, Fresh milk kumbaga.


Napailing na lang ako at kahit ako ay nadidismaya sa pag-uugaling meron ng anak ko. Hindi ko alam pero parang malayo ang pakiramdam ko sakanya parang hindi siya ang anak na niluwal ko.



"You know what Thalia hindi ko lang masabi 'to sayo kase anak mo si Tarra pero alam mo anak, walang kahit anong nakuha si Tarra sainyo ng asawa mo kahit nga kay Ray wala." Sambit niya kaya napatitig ako kay mama at hindi ko alam kung ano ba ang iniisip ni mama.



"Ma." Naniniguro ako kung nagjojoke ba siya o hindi.



"Anak, I don't want to hurt your feelings but this is my conclusion, kaya hindi mo ako masisisi kung bakit malayo ang loob ko sakanya." Sagot niya at saglit siyang sumulyap sa akin.



"I understand Ma." Sagot ko at agad hinanda ang tinapay at palaman. Nilagay ko ang palaman sa tinapay bago kinain.



"Ah anyway kayo ng bahala dito, may lakad ako ngayon." Sabi ni mama bago inubos ang gatas sa baso nito.



"Yes ma." Tanging sagot ko sakanya bago siya tuluyang umalis.



Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago uminom ng gatas. Actually totoo ang sinambit ni mama dahil madalas ko ring marinig mula sa mga kaibigan at mga ka empleyado ko na hindi ko daw kahawig ang anak ko wala ni isang nakuha sa akin at kahit kay Raymond.


"Ma'am dumating na po si seniorita." Narinig kong sabi ng katulong kaya agad akong tumayo at agad lumapit kay Tarra na ngayo'y naka-upo sa sofa habang salubong ang dalawang kilay.



"What's wrong Jade?" I asked my daughter bago ako umupo sa tabi niya.



"Nothing mom." Sagot niya bago tumayo at naglakad paalis. Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin bago siya umakyat sa hagdan. Hindi ko alam pero para akong nadidismaya sa mga inaasta niya, hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin sakanya. Mahal ko siya 'yun ang alam ko pero bakit hindi ko 'yun maramdaman ang alam ko lang mahalaga rin sa akin ang anak ko.


















*****************
Author's Pov

Nakatingin ang isang may katandaang lalake sa isang babaeng kaedaran rin niya na nakatayo habang nagmamakaawa sakanya.


"Please Christian sandaling palugit na lang maibibigay ko rin ang pinangako ko sayo." Nagmamakaawang sambit ng babae habang nakatingin sa kaharap niya pero hindi umimik ang lalake habang nakatingin sakanya.


"Ilang taon na ang nakalipas, mahaba na ang palugit na binigay ko sayo kaya kung hindi mo pa maibigay bukas makalawa magpasensyahan na tayo." Seryosong sambit nito bago niya tinalikuran ang babae. "One hundred million 'yun kaya dapat buo kung hindi, sinasabi ko sayo magpaalam na ang anak mo."



"Kahit sa susunod na buwan na lang, please Christian pangako wag lang sa araw na tinakda mo dahil kulang pa yun." Pigil hiningang sambit ng babae dahil alam niyang kung ano mang sasabihin ng lalake ay siyang dapat masunod pero nagbabakasakali lang ito para kahit man lang yung kalahati lang ang maibigay niya.



The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now