★Eighteen★

471 48 0
                                    

Ark Pov

Another day na naman at ngayon nga ay kasalukuyan kaming naglalakad ni Lemi papasok sa paaralan. Pagpasok pa lang namin ni Lemi ng gate ay may mga naririnig na kaming mga kung ano-anong usapan sa tabi-tabi hindi ko alam kung para saan yung pinag-uusapan nila.



"Excited na ako sa darating na sembreak."



"Tungek, holiday lang 'yun para sa mga may ama pa, or mga gustong magcelebrate."




"Truthfulness kaya mamaya bibili ako ng regalo ko para kay papa."


"Ako din isusurprise ko si Daddy mamayang gabi."



"Ano bang meron?" Takang tanong ni Lemi. Based sa mga naririnig ko father's day ngayon.



Hindi ko maiwasang malungkot naalala ko na naman si papa. Gusto kong umuwi ngayon sa Laguna para bisitahin ang libingan ni papa.


"Oh nyare sa'yo bakit lumungkot ang mukha mo?" Tanong ni Lemi sabay hawak sa baba ko at pinatingala sakanya. Babaeng 'to mas matangkad ka lang sa akin ng konti eh, pero mas maputi naman ako mas maganda pa.



"Father's day pala ngayon." Malungkot kong sagot sakanya na ikinatigil niya.



"Oo nga pala no." Tumigil kami sa paglalakad ng matapat kami sa pinto ng room namin.


"Gusto ko na ngang umuwi eh" malungkot kong sambit bago hinawakan ang doorknob ng pinto ng bigla itong bumukas kaya pati ako nahila kaya ang ending sabay kaming natumba ng kung sino mang humila ng pinto.


"Omy goshhhh."

"Omgehhh."


"Sweet."



Nataranta akong bumangon at agad tumingin sa kung sino mang nadaganan ko.



"Wave." Gulat kong sambit sa pangalan niya ng makita ko na siya pala ang nadaganan ko. Mabilis din naman siyang tumayo at nagpagpag ng damit bago tumingin sa akin ng seryoso.



Gulp! Galit ata siya dahil sa pagkakadagan ko sakanya. Hindi naman ako masyadong mabigat pero still my kasalanan pa rin ako sakanya.


"So-sorry." Hinging paumanhin ko sakanya at bahagya akong napayuko sa hiya.


"It's okay." Sambit niya kaya agad akong napatingin sakanya na ngayo'y nakangiting nakatingin sa akin bago siya naglakad at nilagpasan ako.



Napanganga ako ng sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang nakalabas ng pinto.

"Bitch."

"Slut."



Tsaka lang ako napalingon sa mga tao sa loob ng marinig ko ang mga sinasabi nila. Nakatingin sila sa akin at take note lahat pati ang guro, Kung ganun late na kami ni Lemi. Pero ang pinagtataka ko bakit lahat ng mga kaklase ko nakaready na, ibig kong sabihin yung iba nakatayo habang bitbit ang kanilang bag at yung iba nakaayos na rin pero naka-upo pa habang nakatingin sila sa akin. Napadako sa guro ang tingin ko at pati siya nakaready na rin what's meron ba?



"Anong meron dine?" Malakas na sigaw ni Lemi ng pumasok ito dahilan para mapabalik sila sakanilang sarili at agad nagkanya-kanya.


"Holiday daw ngayon kaya no class tayo." Si Raven ang sumagot kay Lemi ng matapat ito sa amin.



The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now