Forty Six

443 18 0
                                    

Ark POV

Mausisa akong nakatingin kay mama ng marinig ko ang sunod-sunod nitong pagbuntong hininga habang kumakain kami. Sa totoo lang nag-iisip din ako kung saan kami tutungo ni mama dahil sabi nga ni Lemi na kailangan na naming umalis sa bahay na ito kaya lahat ng gamit na kakailanganin namin ay naisaayos na, kahapon pa nga namin naayos eh at sa araw na ito kami aalis. Kahapon pa sana kami umalis kung hindi dahil kay mama na ayaw pang umalis kung hindi ko lang pinilit na aalis kami kaya ngayon palang ang alis namin.

Aw! Aw! Awooo!

Aw! Aw! Aw!


Nagkatinginan kami ni mama ng may marinig kaming tahol ng aso at sigurado ako na nagmumula iyon sa kapitbahay namin. Mga ilang metro pa ang layo mula dito sa bahay hanggang sa mga kabahayan.



"Kunin mo na ang mga kailangan lang natin!" Tarantang utos ni mama kaya agad akong tumalima para kunin ang mga kailangan namin.

Bogsssss!

"Wala na tayong panahon pa halika na!" Hinila ako ni mama palabas at sa kabilang pintuan kami dumaan, ang pinto sa may kusina. Saktong paglabas namin ng bahay habang tumatakbo kami sa mga kakahuyan ng marinig ko ang pagsigaw ng isang lalake kaya napalingon ako sa bahay habang tumatakbo kami ni mama.

"Nandito sila!" Nang marinig ko ang sinabi ng mga taong nais pumatay sa amin nakaramdam ako ng kaba at takot.

"Mama!" Naiiyak kong saad habang tumatakbo kami palayo sa bahay.

"Wag kang mag-alala hindi kita iiwan!" Ramdam ko ang pag-agos ng luha ko ng marinig ko iyon mula kay mama. Hindi ko mapigilang mapaiyak ng makarinig ako ng putok malapit sa amin at alam kong ang mga taong humahabol sa amin ang may kagagawan ng pagputok ng baril na hindi mkalayuan sa amin.

"Kapag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo ka! Wag na wag lang lilingon kahit na anong mangyari. Naintindihan mo ba ako anak?" Sunod-sunod ang pag-agos ng luha ko ng makarinig na naman kami ng pagputok. "Palagi mong tatandaan na kailangan mong makaligtas sa panganib na ito!" Kahit na tumatakbo kami sa mismong kagubatan hindi ko pa rin maiwasang mapalingon sa likod namin.

"Naririnig mo ba ako Ark!" Napailing nalang akong lumingon kay mama ng marinig ko ang sigaw niya. Kabang-kaba at takot na takot na ako pinag-iisip pa ako ni mama ng negatibo.


"Hangga't maaari mama sasama kayo saakin!" Pasigaw kong sambit dahil hindi kami pwedeng huminto at baka maabutan kami ng mga humahabol sa amin. Kahit na palagi akong nagpupunta sa kagubatan na ito hindi ko pa rin nararating ang pinakagitnang bahagi ng kagubatan kaya kung wala si mama baka maliligaw ako dahil sa mga nagtataasang mga puno at halaman.

"Aray!" Napahinto ako ng sumabit ang damit ko sa may sanga sanhi ng pagpunit nito at nagalusan din ang tagiliran ko.


"Tumakas ka na kailangan kong bumalik para pigilan sila!" Utos ni mama habang nakatingin saakin ng puno ng pag-aalala ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Napailing ako at hindi ko mapigilang mapaiyak.

"Ma ayoko! Sumama ka saakin ano ka ba?" Napapikit nalang ako ng maramdaman ko ang paghapdi ng tagiliran ko ng mahanginan ito.

"Makinig ka na lang! Malapit na sila kaya kailangan ko silang iligaw upang makatakas ka." Sunod-sunod akong umiling habang nakatingin kay mama.

"Ma."

"TUMAKBO KA NA!" Halos madapa na ako ng itulak ako ni mama kaya wala akong nagawa kundi ang tumakbo palayo mula sakanya.

Mama!












*************
Author Pov

The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now