★Sixteen★

453 47 0
                                    

Ark Pov

It's been a week since napilay ako at buti na lang ilang araw lang ang tinagal nito bago gumaling, kaya nga nakahabol pa rin ako sa mga namiss kong subject nung wala ako eh.



"Ark." Taka akong lumingon kay Ace na ngayo'y nakatingin sa akin. Naka-upo kase kami dito sa may bleacher dito sa garden actually lahat kami nandito pati sina Tarra kasama namin.


"Bakit?" Takang tanong ko sakanya.



"Ano bang nagustuhan mo sa akin?" Curious niyang tanong na ikatahimik ko. Oo alam na niyang crush ko siya at 'yun ay dahil sa loudmouth na si Lemi, sarap nga niyang bangasan kaso naisip ko baka umalis yun at iwan ako kaya wag na lang.


"Ahm a-ano ka-kase, mabait ka." Nahihiyang sagot ko sakanya.




"Talaga ba? At ano pang nagustuhan mo sa akin?" Nakangiting tanong niya kaya agad akong umiwas sa mga tingin niya dahil feeling ko namumula na ang mukha ko.




"Uhm tsaka mak-maka-diyos ka.... At gwapo." Mahinang sambit ko sa huli.




"Buti ka pa nakikita mo 'yun." Bigla akong napalingon sakanya ng marinig ko ang tila lungkot sa boses niya habang nakatingin sa malayo.




"Ba-bakit?" Hindi ko maiwasang macurious sa kung ano mang tinutukoy niya.




"Kase yung taong gusto ko hindi nakikita kung anong nakikita mo sa akin." Malungkot niyang sagot. Pigil hininga akong nakatingin sakanya dahil kahit ako naramdaman ko ang nararamdaman niya at double pa nga sa akin, akala ko kase may crush din siya sa akin gaya ng sinasabi ni Lemi pero mukhang iba pala ang gusto niya. Ayan kase nag-assume mo talaga Ark.



"Ahm so-sorry, sorry Ark I didn't mean to hurt your feelings." Hinging paumanhin niya ng marialize niyang may nasasaktan sa harap niya.



Pilit akong ngumiti sakanya kahit na gusto ko ng umiyak, pero bakit naman ako iiyak kung alam ko namang sa una pa lang wala talagang magkakagusto sa tulad kong mahirap lang.



"Okay lang." Pilit akong ngumiti sakanya dahil kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa akin.




Iginala ko na lang ang tingin ko sa paligid kaya nakikita ko ang ginagawa ng mga kasama ko. Sina Tarra at Kurt na kasalukuyang nag-uusap sa may silong ng mangga pero halata ang pagka-irita sa mukha ni Kurt habang ang lapad-lapad naman ang ngiti ng isa. Bumaling ang tingin ko kina Lemi na ngayo'y masama ang tingin niya kina Kyler at Daniela habang nagtatawanan at si Raven na malayo ang distansiya sakanila habang hawak ang libro, nagbabasa ata siya dahil nakasuot pa ito ng eye glass habang tutok sa librong hawak niya. At last si Marga na ngayo'y ang sama ng tingin sa akin na para bang pinapatay na niya ako sakanyang isipan, umiwas na lang ako ng tingin tsaka ako tumingala sa langit.




"Ark." Narinig ko ang pagbanggit ni Ace sa pangalan ko kaya tumingin ako sakanya.



"Bakit?" Walang ganang tanong ko, ewan ko ba parang nawalan ako ng mood.




"You are beautiful, kind and everything is perfect. I mean you are perfect for me but someone captured my heart first, ka'ya hindi kita pwedeng gustuhin pabalik." Sambit niya at tsaka bumuntong hininga. "Even if I don't know you more, pero ang gusto ko lang sabihin sa'yo na kahit man hindi kita magustuhan pabalik ay pwede naman tayong maging magka-ibigan." Tila may pag-aalangang sambit niya bago tumingin kina Kurt.




Napalunok ako ng ilang beses bago ako huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.



"Okay lang sa akin." Ngumiti ako sakanya ng totoo para ipakitang okay lang talaga ako. Siguro makakalimutan ko rin naman siya dahil crush lang naman yun, sabi kase pag-crush ay paghanga lang yun so ibig sabihin possibleng mawawala din naman 'tong kung ano mang nararamdaman ko ngayon.


The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now