Forty

451 19 2
                                    

A/N: Race ( Raven and Ace)
         Kyleah( Kyler and Leah/ Lemi)
         Rave  (Wave and Reina)

Ayan po ang loveteam nila pero ano ba mas maganda nilang loveteam ayan lang po kase ang naisip kong bagay sakanila eh. So guys if may saddgestion kayo just put on the comment section Thank you....

Siya nga pala para malinawan kayo ang Race ay wala na sa book na ito dahil may sarili silang story na inyong aabangan. Ang Kyleah at Rave naman itong book na ito na talaga ang para sakanila I hope walang malilito sainyo.





***************
Ark •Pov•

Nagising ako ng puro puti ang bumungad sa akin. Parang mga usok pero hindi. Agad akong bumangon mula sa aking pagkakahiga at napagtanto kong nasa langit ako. Patay na ba ako? Teka kung ganun wala na nga ako.


Imbes na malungkot ako dahil sa pagkamatay ko at hindi ko man lang nakita at nakilala kung sino ang totoo kong mga magulang. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko habang naglalakad sa walang katapusang hallway. Puro puti at lahat ay gawa sa marmol pero ang ganda-ganda ng paligid may mga ibat-ibang uri ng bulaklak habang naglalakad ako hindi ko maiwasang mamangha sa aking mga nakikita. Langit na nga ata talaga ang kinaroroonan ko.



Lumipas ang mga araw pero ewan ko ba mas nagustuhan ko na dito kaso nga lang may mga kung ano-ano akong naririnig.



"I wish you wake up now my wife, my Reina and my life. I want you to be mine so please be strong and fight for me my wife." katulad niyan nu'ng una nga mga taong parang may kinaka-usap then pati pangalan ko nadadawit. "Wait me my Reina and I promise I'll be back for you and that day you and I already in a same house. I hope my wife you can wait me." sa mga sinabi niyang yun tila may kung ano akong naramdaman.




Tahimik lang akong nakatingin sa kawalan dahil nagtataka ako kung bakit nakakarinig ako ng mga salita pero parang tinatangay lang ng hangin galing sa kung saan at ang hindi ko rin maintindihan kung nasaan ako dahil alam kong kung langit man ang kinaroroonan ko malamang sa malamang magkikita kami sana ni papa pero hindi dahil nag-iisa lang ako kaya naman kahit payapa at tahimik ang lugar na kinalalagyan ko hindi ko pa rin maiwasang malungkot.  Lalo na kapag nakakarinig ako ng boses na tila kinaka-usap ako mula sa kung saan nakakaramdam ako ng lungkot at tila pagkamiss na di ko mawari.




Hindi ko na alam kung anong araw, linggo o buwan ka sa kinaroroonan ko ngayon ngunit tila nakakulong na ako at hindi na makalabas pa. Gustong-gusto ko na ring makita ang mga taong nagsasalita ewan ko pero parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko kapag naririnig ko ang boses nila.





"MAANG-MAANGAN PA! NAKITA KO ANG PICTURE NIYONG DALAWA NI MARGA HABANG SARAP NA SARAP ANG TULOG MO SA BALIKAT NIYA AT ITO NAMANG HIGAD NA ITO TUWANG-TUWA PA HABANG NAKATINGIN SA CAMERA!"





Bigla akong napatalon sa gulat dahil sa bigla akong nakarinig ng kung ano na parang nagtatalo dahilan para mainis ako. Nasaan kaya ang mga yun at bakit umiiyak ang boses na yun.




Ahh!




Bigla akong napaupo ng biglang sumakit ang ulo ko dahil dulot ng matindi nilang ingay kaya napapikit nalang ako dahil hindi ko na talaga kayang tagalan ang boses na nila ang sakit sa tenga.




"ANO BA NAMANG INGAY NIYO!" Wala sa sariling nasambit ko at inis na nagmulat ng tingin dahil biglang tumahimik ang paligid pero bigla akong nagitla at bahagyang nagulat ng nasa ibang lugar na ako at puro puting kisame ang nakita ko. Nasaan na naman ako?




The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now