★Fifty★

506 19 0
                                    

Ark Pov

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa kwarto ni mama, ang sabi ni kuya Ray nandito din daw si mama. Nasabi na pala sa akin ni kuya ang lahat pagkagising ko dahil hindi ko tinigilan si kuya kakatanong kung bakit tinulungan niya ako sa time na iyon and then 'yon nga sinabi niya lahat-lahat. Ang masasabi ko lang wala naman akong nararamdamang galit kay Mrs Cortez dahil alam ko naman na kaya lang niya nagawa ang bagay na iyon dahil sa labis niyang pagmamahal sa anak niya at kaya niya nagawa iyon dahil sa kasinungalingan ni Tarra pero sa ngayon hindi ko pa masasabi kung handa na ba akong tanggapin sila sa buhay ko, nasanay kase akong si mama lang ang alam kong pamilya ko, oo matagal ko ng dinasal sa diyos na sana dumating yung aras na makilala ko ang tunay kong pamilya at ito na nga pero hindi ko naman inakalang sila pala ang totoong kong pamilya.



"A-anak!" Natigilan ako sa akma kong pagpasok ng makita ko ang nangyayari mula sa nakabukas na pintuan ng kwarto. Si mama nakaluhod sa harap ni Tarra habang umiiyak at paulit-ulit itong humihingi ng tawad pero sadyang masama ang ugali ni Tarra dahil nagawa pa niya itong itulak.





"Kahit kailan wala akong ina'ng mahirap! Wala akong ina'ng kagaya mo!" Pasigaw na sabi niya sa nakasalamapak na si mama. Kinuyom ko ang kamao ko at 'di mapigilang sumali sakanila.



"Wala ka talagang puso Tarra pati si mama, ang totoong mong ina kaya mong bastusin!" Inis kong sambit at agad tinulungan si mama na tumayo dahil kitang-kita ko ang hirap sakanya ng bumangon siya at alam kong dahil iyon sa sugat na natamo niya mula sa mga tauhan ni Tarra.



"Wala akong paki-alam sa mga hampas lupang kagaya niyo! Tsaka pwede ba pagsabihan mo nga iyang ina mo na wag na wag lalapit sa akin dahil kahit anong gawin niya hinding-hindi ko siya matatanggap na ina ko!" Sigaw niya bago naglakad paalis. Napatingin ako kay mama na ngayo'y umiiyak kaya niyakap ko nalang siya.




"Siguro karma ko na ito! Siguro nga sobrang sama kong ina dahil nagawa ko ang bagay na iyon. Pinagsisihan ko man ang mga nagawa ko alam kong hindi rin ako matatanggap ng anak ko," Sambit ni mama. Kumalas ako mula sa pagkakayakap sakanya bago ako tumingin sa mga mata niyang hilam ng luha.




"Mama! Kahit man hindi ka niya matanggap bilang ina niya alam ko rin naman na darating din ang panahon na magagawa ka niyang tanggapin bilang ina niya." Ngumiti ako sakanya at agad pinahid ang luha sa pisngi niya.



"Mabuti ka pa Iha, napakabuti mo dahil kahit anong kasalanang nagawa ko, namin sa'yo nagagawa mo pa ring magpatawad. Kahit na alam kong nasasaktan ka na nagagawa mo pa ring ngumiti." Sambit ni mama.



"Mama. Ang buhay natin may hangganan kaya hangga't kaya nating magpatawad gagawin natin, ang diyos nga nagagawa pa rin niyang magpatawad sa kabila ng ating mga kasalanan, yun ay dahil mahal niya tayo, Ganun din ako mama mahal kita kaya kung ano man ang nagawa niyong kasalanan sa akin noon ay wala na sa akin iyon." Nakangiting sambit ko.




"Napaka-swerte ng mga totoo mong pamilya anak dahil may anak silang kagaya mo, mabait at mapagmahal."




"Si mama talaga maswerte pa rin naman kayo sa akin ah, diba kayo ang mama ko!" Natatawang ani ko pero ngumiti lang siya at umiiling-iling.



"Oo naman anak basta ba ipangako mo din sa akin na gaya ng sabi mo tanggapin mo ang pamilya mo ng buong puso, mamahalin mo sila higit pa sa pagmamahal mo sa akin." Sambit niya dahilan para maluha ako.





"Mama! Kahit naman po hindi niyo sabihin yan gagawin ko po talaga kaya wag po ninyo sabihin iyan. Mahal ko po kayo at kailan ma'y walang katulad ang pagmamahal ko sainyo ni papa." Naluluhang sambit ko bago siya niyakap.















The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now