★Twenty one★

473 50 1
                                    

Continuation....

Ngayon ang araw ng pag babalik namin ni Lemi sa manila kaya maaga akong nagising para mag handa na rin. Lumabas ako ng kwarto para magtungo sana sa kitchen ng mapadako ang tingin ko sa pintuan ng kwarto ni mama na nakasara, sa pagkakaalala ko hindi siya umuwi kagabi kaya malamang wala siya sa loob. Hanggang ngayon hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan ni mama sa tuwing aalis siya ng bahay. Halos hindi na nga siya umuwi dito at kapag umuwi naman galit na galit at natataranta na para bang may iniisip.




Nang matapos akong maghanda agad akong nagtungo sa terminal ng bus sakto naman ang dating ni Lemi hinatid ng papa niya.




"Arky babalik na naman tayo." Masayang sambit niya bago umupo sa tabi ko.



"Ganun talaga tsaka namiss ko kaya sa manila." Sabi ko naman sakanya.



"Ako din eh hihi." Sambit niya na parang may naisip na isang bagay na nagpakilig sakanya.





"Oh may namiss ka 'no?" Panunuksong sabi ko sakanya at sinundot-sundot ang tagiliran niya.




"Hahaha oo na hahaha tama na." Hindi niya alam kung saan babaling ng upo dahil sa pagkiliti ko sakanya.



"Lakas ng kiliti mo haha." Hindi ko maiwasang matawa dahil para siyang bulate kanina ng kilitiin ko siya.



"CHE!" Sambit niya bago kinuha ang cellphone niya sakanya bag at sinalpak ang headset kinuha ko ang isa at agad nilagay din sa tenga ko.


Umaga na ng makarating kami ng maynila kaya agad kaming dumeretsyo sa apartment namin at para matulog kase napuyat kami ikaw ba naman kase ang magbyahe ng gabi at medyo sumasakit pa ang ulo ko jetlag kumbaga.




Hapon na ng magising ako dahil bigla akong nakaramdam ng gutom hindi pa ata ako magigising kung hindi dahil sa gutom. Agad akong nagtungo sa kitchen at tumingin sa ref ng pwedeng iluto, oo may ref nga dito sa apartment completo nga eh may aircon, electric fan at ref kaya nga malaki ang renta namin buti na lang buwan-buwan ay may natatanggap kaming scholar kaya napagdesisyonan ko na rin na sa susunod na weekend ay maghahanap ako ng pwedeng pagpart time job dito para may allowance naman ako kahit papaano.



Agad kong niluto ang nakita ko sa ref buti nga hindi nasira kaya may niluto pa ako. Nang matapos akong magluto ay agad akong kumain dahil talagang hindi ko na kaya ang ingay ng mga anaconda sa tiyan ko pati ako nanghihina na. Tinirhan ko na lang si Lemi ng kaniyang makakain bago ako nagtungo sa kwarto ko at naligo dahil sa sobrang antok kanina tinamad na akong naligo kaya ngayon pa lang ako maliligo.



Nang matapos akong maligo at mag-ayos ng sarili agad akong lumabas ng silid ko.



"Anong oras na ba?" Biglang tanong sa akin ni Lemi ng makita niya akong palapit sakanya.



"Teka ano nga bang oras na." Kunway tinignan ko ang aking kanang kamay at tinignan kung anong oras na nga kahit wala naman akong wristwatch.



"HA HA HA patawa ka Arky, joker ka talaga kahit kelan eh no." Inirapan pa niya ako dahilan para mapangisi ako at agad tumabi sakanya.



"Alam mo na ngang hindi ko hawak ang orasan magtatanong ka pa." May pag kasarcasm kong sagot sakanya.


"Oo na alam ko na." Sambit niya bago tumayo at agad binuksan ang tv.


"Ano ba 'yan bakit puro cartoon ang palabas." Inis niyang sambit kaya mahina akong natawa sa inasta niya.



The True Heiress [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon