Forty Three

432 16 0
                                    

Author •Pov•

Tahimik na naka-upo ang isang matanda sa isang swivel chair habang hinihintay ang anak na kasalukuyang nasa board meeting. May mahalaga siyang sasabihin dito pero tila matatagalan pa siya sa paghihintay kaya napagdesisyonan nito na mag-antay nalang sa office nito.

"Ano ito?" Wala sa sariling sambit ng matanda ng masagi ng paa niya ang isang box sa may silong ng table dala ng curiousity nito yumuko siya at inabot ang box at agad nilapag sa table.  Puno ng curiosidad na maingat niyang binuksan ang box at nakita ang laman nito.

"A picture hu!" Kunot noo siyang nakatingin sa picture. Dalawa ang picture na iyon at parehong sanggol ang nasa picture na iyon at kahit matanda na siya alam niyang si Tarra ang isa sa sanggol na nasa picture dahil natatandaanan pa niya ang hitsura nito noong maliit pa lang siya.

"A Crown that symbolism of my clan!" Wala sa sariling sambit niya ng mula sa dibdib ng isang sanggol kitang-kita niya ang birthmark na naka-ukit dito dahilan para kutuban siya. "May mali? Ang dalawang picture na ito at ang isang sanggol! Hindi kaya hindi ko totoong apo si Tarra at ang sanggol na may birthmark ng korona ay ang totoo kong apo? Pero bakit hindi sinasabi ni Raymond ang tungkol dito?"

Agad niyang binalik sa loob ng box ang mga picture at agad binalik sa kung saan ito. Agad niyang tinawagan ang yaya nila sa mansion at agad pina-utos na kukunin ang suklay ng apo at dalhin sa opisina ni Raymond. Agad din niyang tinungo ang banyo sa loob mismo ng office at agad kinuha ang toothbrush ng anak.

"Hindi maaaring mag-aksaya pa ako ng oras lalo na't malapit na ang pagpapakilala sa susunod na tagapagmana ng mga cortez at hindi ako makapapayag na mapunta lang sa wala ang pinaghirapan namin ng asawa ko." Sambit nito habang hawak ang toothbrush at agad kumuha ng cellophane at nilagay ito. Wala pang isang oras dumating din ang katulong na inutusan niya.

"Ito na po ang suklay ni ma'am Tarra madam." Hinihingal pa ang katulong ng dumating ito at halatang nagmamadali sa pag-akyat makarating lang sa office. "Pero aanhin po ninyo ang suklay madam?"

"Kahit anong mangyari wag na wag mong sasabihin kay Tarra o kahit sino sa mansion kung sinong kumuha ng suklay ni Tarra kung sakaling hanapin man niya ito." Utos nito sa katulong at mula doon sa hawak niyang suklay may naka-ipit pang mga buhok kaya agad din niyang nilagay sa supot ang suklay.

"Kung maaari kapag dumating na ang anak ko galing sa meeting paki sabi na hinatayin niya ako may pupuntahan lang ako." Sambit ng matanda at agad kinuha ang bag at agad nilisan ang office.

Nagmamadali siyang pumasok sa sasakyan niya at hindi na tinawag ang driver na ngayo'y sumisigaw katatawag sakanya. Pinaharurut niya ang sasakyan ng mabilis para lang marating ang nais niyang puntahan.

Dahil sa bilis nitong magmaneho sa wakas nakarating din ito sa hospital kaya agad siyang bumaba at kinuha ang dalawang supot na kung saan nakalagay ang toothbrush at suklay at dahil sa pagmamadali hindi na niya nailock ang sasakyan at agad naglakad ng mabilis papasok sa loob at kahit ang guard na nasa pintuan ay nagtatakang sinundan ng tingin ang matanda na mabilis ang lakad patungong elevator. Lahat ng madadaanan niyang tao ay sakanya nakatingin na tila ba lahat sila ay may iisang katanungan sa isipan dahil sa inaasta ng matanda.

Bogsss!

Tinulak niya ng malakas ang pintuan ng office ni Ray at nakita niya ang apo na gulat na gulat habang nakatingin sakanya.

"What bring you here lola?" Takang tanong nito sa matanda na hindi naman sinagot ng matanda. Agad niyang nilapag sa table ang hawak niyang dalawang supot at agad umupo sa upuang kaharap ng apo nito.

"This two things is from your dad and sister. I want you to test it, you test this two things to know the DNA test apo." Seryosong sambit ng matanda at matamang tumingin naman si Ray dito na para bang tinitimbang kung hindi ba siya nagbibiro. "What are looking at!" May halong inis na sabi ng matanda dahilan para mapa-iwas ng tingin si Ray tsaka binaling ang tingin sa mga plastic na nakalapag sa mesa niya.




The True Heiress [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt