Forty Eight

451 18 0
                                    

Kurt Pov

Blaggg!


Agad akong nagtago sa likod ng pintuan ng makarinig ako ng pagkabasag mula sa likod ng corridor and I know there's a killer outside. Pinindot ko ang button ng voice record at agad inilagay sa loob ng aking suit. Mahigpit kong hinawakan ang batuta at hinintay na makapasok ang taong nais pumatay sa akin.




Bogsss!



Bang! Bang!


Kasunod ng pagkabasag ng kung ano ang pagputok nila ng baril ng dalawang beses at alam kong mula sa ibang kwarto ito, sa guest room at nasisiguro kong susunod na ang kwartong pinagtataguan ko. Agad akong lumayo sa likod ng pintuan at agad pinosisyon ang baril sakaling papasok man ang tao dito sa aking kinaroroonan.




Blaggg!


Tulad ng inaasahan ko sinipa nga niya ang pintuan dahilan para masira at tuluyang matumba. Agad kong sinipa ang pumasok at maswerteng hindi niya naiwasan ang pag-atake ko kaya tumama sa ulo niya ang sipa ko dahilan ng ikinabagsak niya.




Bang! Bang!


Muntik na akong matamaan sa braso ng tumakbo ako palabas ng silid at agad nagtungo sa veranda. Agad akong nagtago ng may makita akong pwede kong pagtaguan. Alam kong hindi sila nasa tatlo o apat lang sila at nagawa ko ng mapatumba ang isa kaya nakakasiguro akong dalawa o tatlo nalang ang tumutugis sa akin.




Bang! Bang!


Bang! Bang! Bang!



Agad akong gumanti ng pagbaril sa kung sino man ang bumabaril sa akin. Dalawa sila, mula sa kanang ko ang isa at nasa likod ko naman ang isa. Hindi ganon kalaki ang bahay na tinitirhan ko kaya hindi ako makatago ng maayos lalo na't hindi lang nag-iisa ang kalaban ko.




Bang! Bang!



Agad akong tumakbo paalis doon at sapilitang tumalon mula dito sa veranda pababa sa garden. Mabilis akong lumingon sa taas ng tuluyan na akong makababa. Nagpagulong ako upang iwasan ang bala at agad gumanti dahilan ng ikinasawi niya. Agad akong tumayo at tumakbo palayo.





"Ops! Hanggang diyan ka nalang!" Napatigil ako sa pagtakbo ng makarinig ako ng pagkasa ng baril mula sa aking likod. Dahan-dahan akong lumingon sakanya kaya nakita ko ang pagmumukha niya na ngayo'y ang laki ng pagkakangiti. "Chamba kapag napatay kita malaki ang makukuha ko kay boss!" Nakangiting sambit niya pero kahit nakangiti siya pakiramdam ko parang nang-uuyam ang tono ng tawa niya.




"Yun ay kung mabubuhay ka pa Dorothy!" May diing sambit ko habang nakatingin sa baril niyang nakatutok mismo sa noo ko.




"Matapang ka nga! Kagaya ka lang ng ama mong mainitin ang ulo ngunit kulang naman sa gawa!" Nang makita ko ang akma niyang pagkalabit sa gatilyo agad ko na siyang inunahan.



Bang! Bang! Bang!


Muntik na akong tamaan kung hindi lang ako yumuko.



"Ano ngayon? Sino sa atin ang mauuna sa impyerno?" Nakangising sambit ko habang nakatingin sa katawan ni Dorothy na ngayo'y nakahiga sa semento.



Malas mo lang!





Bang! Bang! Bang!






Natigilan ako ng makaramdam ako ng pamamanhid ng aking tiyan at ramdam ko rin ang pag-agos ng dugo mula rito.



The True Heiress [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon