Forty Nine

462 21 6
                                    

Ark Pov

"Ark best!" Naiiyak akong yumakap kay Lemi ng makarating ako ng bahay nila.

"Akala namin kung ano ng nangyari sa'yo, bakit ngayon ka lang?" Naiiyak na tanong ni tita ng siya naman ang yumakap sa akin.

"Ngayon lang po kase ako naka-alala, hindi ko naman alam ang bahay niyo Lemi eh kaya ngayon lang ako nakapunta dito. Salamat sa tulong ni Tita weyn dahil kung hindi sakanya baka tuluyan na akong napatay." Naiiyak kong saad. Tumingin naman ako kay Kyler na ngayo'y nakangiting nakatingin sa amin ng girlfriend niya.

"Talaga! Naaalala mo na kami?" Hindi makapaniwalang sambit ni Lemi na tinanguan ko lang at mababakas naman ang saya sa mukha niya ganun din sina Tita at tito maging si Kyler.


"Magdadalawang araw ka ng hindi nagpakita mabuti nalang at walang nangyari sa'yo Iha." Ramdam ko ang pagpapahalaga nila kaya hindi mo maiwasang maalala si mama.

"Si-

"MR AND MRS MENDOZA!" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng makarinig kami ng sigaw mula sa labas.

"Teka lang kami na ang titingin." Sambit ni Tito at agad hinila si Kyler pero dahil sa curious kami kung anong nangyayari agad din kaming sumunod. Nagulat ako ng makita ko ang pulis ng Manila at ang dami nila at hindi ko alam kung anong nangyayari dahil bigla akong nakaramdam ng kaba na para bang may mangyayaring hindi maganda.


"Anong kailangan niyo si" narinig ko ang pagtanong ni Tito mula sa commander ng mga pulis na nasa harap nila.

"May nakapagsabi sa amin na nandito si Ms Perez." Sagot nito dahilan ng lalo kong ikinakaba. Napatingin sa akin sina tito pati na rin ang kapulisan dahilan para pagpawisan ako ng malamig. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa nakikita ko.

"Te-Teka lang sir anong kailangan niyo sa kaibigan ko?" Agad na sabat ni Lemi pero sinaway siya tito.

"Wag ka munang makisabat anak!" Pagalit na sabi ni tito pero tinaasan lang ng kilay ni Lemi ang commander na para bang sinasabi niya wag kang gagawa ng mali sa teritoryo ko, bilib din ako kung minsan sa kaibigan kong ito eh kaya kahit loudmouth siya pinagmamalaki ko pa rin siya.

"Kailangan naming isama si Ms Perez sa Manila dahil sa may sa utos ni Mrs Cortez." Sagot nito at akmang lalapitan niya ako ng humarang sina Tito at Kyler sa harap ko na para bang prinoprotektahan nila ako mula sa mga pulis.

"Hindi ko alam kung anong dahilan ni Thalia ngunit hindi naman ata tamang kunin niyo ng sapilitan ang bata ng wala kayong warrant." Sambit ni tito, nanlamig ako ng maintindihan ko na kung anong nangyayari. Isa lang ang ibig sabihin nito maaaring napagbintangan na naman ako.


"Ayan Mr Mendozan! Wala kayong karapatang pigilan kami dahil kayang-kaya naming kunin si Ms Perez dahil utos ng nakakataas sainyo!" Sambit niya at agad tinulak si Tito at naglakad siya palapit sa akin dahilan para mastatwa ako sa aking kinatatayuan dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Subukan mong kunin ang kaibigan ko magkamatayan tayo kahit pulis ka pa." Sambit ni Lemi at siya naman ang humarang sa akin pero tinulak lang niya ito gaya ng ginawa niya kina Tito at Kyler.

"Krimen na ang ginagawa niyo!" Hindi ako makagalaw lalo na ng makita kong tinignan niya ng matalim si Tita bago niya ako sapilitang hinila palayo sakanila.

"Pwede ba kung ako lang ang kailangan niyo bakit kailangan niyo pa silang saktan!" Sa kabila ng aking takot nagawa ko pa ring masabi iyon sakanila pero parang wala silang narinig at sapilitan nila akong sinakay sakanilang mobile.

The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now