★Twenty seven★

484 45 0
                                    

Still Ark Pov.....

"Hay ang bilis talaga ng panahon." Sambit ni Lemi habang nakatingin sa cellphone niyang binubutingting niya. "Ay oo nga pala, manlilibre daw ngayon si Raven, yay buti naalala ko pa." Sambit niya at agad dinial ang number ni Raven, tahimik lang akong nakatingin sa mga pinaggagawa niya dahil wala rin naman akong magawa, boring lang ang hawak kong cellphone walang load buti pa 'tong Lemi na 'to dahil may baby na nagloload sakanya pero ako wala.




Pero cellphone na mahal ang binigay. Pero hindi mo naman jowa.




Napailing na lang ako bago humiga sa aking kina-uupuan. Kanina pa ako nabobored pero wala naman akong maisip na pwedeng pagkaabalahan, half day lang kase ang klase at pagkatapos ng klass hinatid kami nina Alon dito bago sila umalis kaya naman bored na bored kami ngayon.



"YESSSS WAHHH! ARKY ILILIBRE DAW TAYO NGAYON NI RAVEN!" Nagulat pa ako sa biglaang pagsigaw niya dahilan ng muntik ko ng ikahulog, lintek 'tong babaeng 'to ang lakas ng bunganga.




"Pwede ba Lemi naman wag masyadong sumigaw hindi ka nag-iisa sa apartment na 'to." Sabi ko sakanya.




"Eh bakit ba eh sa masaya ako eh." Nakangiti pang sabi niya at agad lumapit sa akin tapos inuga-uga pa ako, tinampal ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.




"HOY WAG NAMAN KAYONG MAINGAY NAKAKAISTORBO KAYO NG NATUTULOG AH!"




Ayan nagalit na yung kapitbahay, halatang galit dahil talagang sumigaw pa.




"Ayan napagalitan ng wala sa oras." Umirap na lang ako at humalikipkip.




"Sowwy na, anyway susunduin daw tayo ngayon ni Raven dito hihihi." Bumungisngis pa, pag-usapang pagkain talaga wala siyang patawad. "Kaya maghanda-handa na tayo okay." Pagkasabi pa lang niya agad na siyang kumaripas at nagtungo sa kanyang silid, hindi na sana ako sasama kaso kanina pa kase akong nabobored kaya sasama na lang din ako.




Agad na rin akong nag-ayos, sinuot ko ang black pants at kulay white na shirt, nagpony na lang ako at agad naglagay ng baby powder sa mukha at lipgloss, hindi ko kase bet ang lipstick tapos makakapal na make-up. Agad kong sinuot ang flat Doll shoes ko na kulay black, ng tuluyan ng maayos ang hitsura ko agad kong kinuha ang sling bag ko, hindi na sana ako magbabag kaso mayroon na akong cellphone ngayon alangan naman na hahawakan ko na lang baka mamaya mahulog ko pa, sayang naman bigay pa naman ni Alon.




Saktong paglabas ko ng kwarto ko ganun din si Lemi na ngayo'y nakadress pa ng kulay pink na may ribbon pa sa bewang, napansin ko rin na nakamake-up siya at nakaayos pa ang buhok niya, naka sandal rin siya ng two inch na sandals na kulay black.




"Pak na pak ang ayos natin ah." Sambit ko at pinasadahan siya ng tingin.



"Of course we're gala-gala kaya need ng ayos." Sambit niya at nagflip hair pa with ikot-ikot pang nalalaman ayan muntik ng matumba. "Nahilo ako dun ah." Humawak pa siya sa sentido niya at pumikit pikit pa.




"Ano okay  ka na hahaha." Natatawa na lang ako sakanya dahil sa kaengotan niya.




"Che, tara na nga." Agad na siyang naglakad palabas kaya sumunod na rin ako, nilock ko muna ang apartment namin at sabay na kaming bumaba at lumabas ng gate. Sakto rin naman ang dating nila Raven, naka kotse sila ng itim na Van at alam kong sila yan dahil 'yun ang palagi kong nakikita na sumusundo at naghahatid sakanya sa paaralan.




"Hi guys." Tulad nga ng sabi ko si Raven nga dahil agad siyang bumaba mula sa passenger seat at agad kumaway sa amin.




"Hey." Wala pang ilang segundo nakapasok na sa loob ng sasakyan si Lemi, hindi ko man lang namalayan aba mabilis gumalaw ang isang 'yun ah. 'Di halatang excited ang isang 'yon.



The True Heiress [Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang