★Three★

754 63 0
                                    

Continuation......

"Hayyyyyyyy!" Humikab muna ako bago bumangon sa aking higaan. Inayos ko na rin bago naglakad palabas para gawin ang dapat gawin dahil baka mamaya magagalit na naman ang señorita kong ina.


Pagdating ko sa kusina ay agad ko ng ginawa lahat ng dapat kong gawin bago ginising si mama dahil maaga daw ang alis niya eh pero eto't nag-ssleeping beauty ang peg niya buti at mabait ako kundi hahayaan ko na lang siyang malate sa pupuntahan niya.



Tok! Tok! Tok!



"Ma!"



"Ma, umaga na po baka malate kayo sa pupuntahan niyo." Medyo may kalakasang pagsigaw ko kaya ayun automatic na bumukas ang pinto este binuksan pala ni mama ang ending muntik na akong matumba sakanya buti na lang nabalance ko ang sarili ko.





"Umaga na po." Magalang kong sabi pero tinaasan lang niya ang kanang kilay niya.




"Alam ko!" Walang ganang sagot nito bago ako itinulak para makadaan siya buti na lang ulit at naka balance ako kundi lagapak na ako sa sahig. Ang ganda talaga ng morning greatings ng mama ko sa akin 'no?




Sinundan ko na lang si mama dahil ngayon ko na balak sabihin ang tungkol sa scholarship ko. Umupo si mama at agad nilantakan ang pagkain na hinanda ko sakanya, natural na may kanin na yung plate na nakahain sa harap niya at siyempre may ulam na 'yan, ako pa nga ang nagpagod sa lahat ng 'yan para lang may maisaing ako tapos eto si mama parang reyna. Sarap ng buhay niya, sarap tuloy niyang ipadala sa mars at ng may makasama naman ang mga alien dun na witch.





"Ehem." Pag cleclear ko ng aking lalamunan at para na rin matawag ang pansin ni mama.





"Ma." Simula ko pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Snobera talaga si mama kahit kailan eh akala naman niya ikinabait niya.





"Natanggap po ako ng scholar." Sabi ko sakanya akala ko hindi niya papansinin ang sinabi ko pero tumingin siya sa akin.




"So anong gusto mong gawin ko ha?" Mataray na tanong nito ngumiti muna ako sakanya bago sumagot.





"Ma hihingin ko lang po sana ang pahintulot niyo upang makapag-aral ako ulit sa college." Magalang kong sabi na agad kong pinagsisihan na sinabi ko pa dahil matalim ang tingin niya na pinukol niya sa akin.





"Bakit sa tingin mo ba papayag ako kahit na nakuha ka sa scholar-scholarship na 'yan ha? Sa tingin mo may pangbayad ka sa mga kakailanganin mo ha?" Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni mama pero alam ko ang tinutukoy nito.





"Wag kang mag-alala ma libre na lahat ng babayaran ko sa school at may ibibigay silang 5k ka da buwan at 'yun na po ang allowance ko." Sagot ko kay mama. Alam ko naman na hindi 'yun sasapat para sa mga pangangailangan ko pero wala naman sigurong mawawala sa akin kung sakaling makipagsapalaran ako sa maynila. Magagawan ko naman siguro ng paraan ang mga kakailanganin ko 'dun.






"Tsk! bahala ka sa buhay mo basta wag na wag kang hihingi ng tulong sa akin." Sabi niya bago tumayo sa kina-uupuan nito at agad nagtungo sa silid nito para mag-ayos siguro.




"Salamat ma!" Pahabol kong sigaw.





Sayang-saya akong tumakbo palabas para ibalita kay Lemi ang sagot ni mama. Yes! for the first time kong pinayagan na di man lang naghirap ng bonggang-bongga para lang mapa-oo si mama. Ano kayang nakain ni mama at bumait sa akin, usually naman kapag may pinakiki-usapan lang ako sakanya aba todo sigaw na siya sa akin.




The True Heiress [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora