★Thirty two★

415 41 0
                                    

Ark Pov

Sabay kaming nagtungo ni Lemi sa faculty room para isubmit ang mga test paper na sinagutan namin. Naka seal na ang papel kaya hindi namin maaaring mabuksan para mandaya at saka isa pa hindi rin naman namin ugaling mandaya at manlamang sa kapwa dahil isa 'yon sa mga aral na natutunan ko kay papa noon. Katatapos lang ng aming mid term at talagang na stress ang utak ko kaya feeling ko nga malapit na akong mabaliw, joke!

"Na stress ako sa exam na 'yun." Sambit ni Lemi habang hinihimas ang kaniyang sentido.

"Sinabi mo pa." Sang-ayon ko bago kami kumatok ng tatlong beses ng marating namin ang faculty room.

"Ma'am magsusubmit lang po." Sambit ko at agad nilapag sa lamesa ang mga dala naming mga test paper.


"Thank you mga iha." Pasasalamat ng head teacher na siyang kanang kamay ng principal kumbaga parang siya ang pumapangalawa sa rango ng principal.


"Sige ma'am." Pagpapaalam namin ni Lemi bago kami lumabas ng faculty at agad naglakad patungo sa garden dahil may usapan kami ngayon nina Raven na nag mimilktea daw kami libre niya.



Malapit na kami sa may garden ng may biglang humila sa akin. Agad akong sumigaw para sana magpatulong kay Lemi pero agad din niyang tinakpan ang bunganga at ilong ko ng panyo dahilan para mawalan ako ng malay.






















***************
Author's Pov

Bitbit ng dalawang lalaki ang dalawang dalaga na walang malay at agad nila itong pinasok sa van.


"Good. Nagawa niyo agad." Sambit ng pinaka leader nilang dalawa. Tatlo lamang sila ngunit malalakas sila dahil sa naglalakihang mga braso at katawan nila. Nakasuot sila ng bunete na itim at naka suot din sila ng jacket na itim kaya nasisiguro nilang walang makaka recognize sakanilang mga mukha ng dukutin nila ang dalawang magkaibigan.



Dinala nila ito sa pinakaliblib na lugar at agad nilang pinasok ang dalawa sa abandonadong tambakan ng mga container at agad nilang ginapos ang dalawa sa upuang bakal at magkatalikod pa sila habang wala pa rin silang malay dahil sa gamot na ginamit ng mga kumidnap sakanila.



"Hello boss? Nagawa na po namin ang iniutos niyo. Nandito na sila ngayon hawak namin at kasalukuyang wala pa rin silang malay." Sambit ng pinaka leader nila mula sa kabilang linya.



"Good." Masayang sambit naman ng katawag nito. "Yung pera nasa likod ng compartment ng sasakyan ko na nakaparada lang sa paaralan." Sambit niya bago humalalakhak sa tuwa na sinundan pa ng dalawa pang halakhak. Tumawa naman ng parang wala ng bukas ang leader ng mga kidnapper na siyang ginaya ng dalawa niyang kasama.



"Pera na 'to hahahaha." Tumatawang sambit nila bago umalis sa lugar na 'yon.



Samantalang may isa namang lalaki ang nakasunod sakanila at matamang nakatingin sa dalawang dalaga na walang malay ng iwan ng mga kumidnap sakanila. Naaawa siya habang nakatingin dito pero wala siyang magagawa kundi ang hintayin na lang ang susunod na gagawa ng kung sino mang nag-utos sa mga kidnapper na 'iyon dahil yun lang ang utos sakanya ng kaniyang amo ang bantayan ang bawat kilos ng isang dalaga at kunan ng picture sakaling dumating ang araw na gaya ngayon. Nagtaka nga siya kung bakit alam ng amo niya na mangyayari iyon sa dalagang binabantayan niya pero tanging sabi lang ng amo niya na alam ko dahil alam ko.



Ilang oras ang tinagal niya sa paghihintay bago siya makarinig ng ugong ng sasakyang paparating at alan niyang yun na ang taong nag-utos sa tatlo kanina kaya agad niyang ipinwesto ang camera at hinanda ang sarili para sa maaaring mangyayari. Malaki at malawak ang abandonadong tambakan ng nga container na pinaglagyan nila ng mga gasolina kaya alam niyang hindi siya basta-bastang makikita sa kinalalagyan niya.



The True Heiress [Completed]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ