Thirty Four

431 37 0
                                    

Kyler Pov

Papunta kami ni Lemi baby sa airport para sunduin ang aking mga magulang. I want to formally introduce her to my parents so mas magandang timing para sa akin na ngayon ko siya ipakilala.

Napatingin ako kay Lemi babe ng para itong namumutla at parang hindi mapakali kaya agad kong hinawakan ang kamay niya.

"Are you okay?" Tanong ko sakanya.

"Hindi kinakabahan ako. Wag mo na lang kaya ako isama." Sambit niya kaya naman napangiwi ako sa sinabi niya malayo na ang binyahe namin.

"Per-

"Joke lang. Wag mo na lang akong alalahanin magiging okay lang din ako basta wag mo akong iiwan kapag sakanila ah." Sambit niya kaya napangiti na lang ako at agad kong hinawakan ang kamay niyang nanlalamig.

"Don't worry babe mababait ang parent ko. I want to introduce you with them dahil gusto kong patunayan na totoo ang pag-ibig ko sa'yo." Sabi ko sakanya. Oo nga't mahilig akong manakit ng damdamin ng babae noon pero ng makilala ko si Lemi willing na akong magbago para sakanya. Hindi ko alam kung anong meron sakanya kung bakit ganun na lang ako kabaliw sakanya at wala akong balak na saktan siya hindi ko man maipangakong hindi ko siya masasaktan pero gagawin ko ang lahat para maging masaya siya sa piling ko.

Ten thirty na kami nakarating kami sa NAIA kaya naman bumili muna kami ng aming meryenda habang naghihintay sa paglapag ng eroplanong sinasakyan nila.


"Kapag nakilala mo na sina Mommy wag kang kabahan dahil mabait naman sila ang gagawin mo lang igalang mo lang sila sigurado akong magkakasundo kayo especially si Mommy sigurado akong magiging masaya siya na makilala ka." Nakangiting sambit ko.

"Talaga ba."

"Oo na- MOMMY DADDY!" Agad kong sigaw ng may matanaw akong dalawang taong palabas sa pintuan ng Airport. Nakalapag na pala sila baka kanina pa sila nakauwi pero ngayon lang sila lumabas.

Agad kaming lumapit sakanila habang kumakaway ako sakanila.

"Mommy, Daddy." Nakangiting sambit ko at agad ko silang niyakap.

"Ohh I miss you my son." Sambit ni Mommy at niyakap niya ako pabalik ganun din si Daddy.

"Si Kyzer po?" Ang tinutukoy ko ay ang aking kapatid.

"Naiwan sa Japan baka next week siyang susunod dito." Sagot ni Daddy kaya tumango nalang ako.

"Sino siya iho?" Agad akong napalingon kay Lemi dahil nakalimutan ko pala siyang ipakilala kaya naman pinanlakihan niya ako ng tingin.


"Hehehe Mommy, Daddy si Lemi Girlfriend ko." Pakilala ko sakanya.

"Hello po " magalang na sabi niya at bahagyang yumuko kaya naman napangiti si Mommy sakanya. Sabi na eh tanggap siya ni Mommy si Daddy ewan ko lang.

"Tara sa kotse at dun na lang tayo mag-uusap." Sabi ni Daddy kaya naman agad kaming pumasok sa sasakyan. Sa likod kaming dalawa ni Lemi at sa harap sina Daddy at Mommy si Daddy ang magdridrive.

"So paano kayo nagkakilala ng anak ko Lemi Iha?" Tanong ni Mommy kaya naman hinawakan ko ang kamay ni Lemi. Tumingin sa akin si Lemi at ngumiti kaya tumango ako sakanya.

"Sa Zaragoza university po. Magkaklase kami tsaka kaibigan ko po kase ang kaibigan din niya." Sagot niya kaya tumango-tango si Mommy.


"So ano naman ang course mo Iha?" Tanong ulit ni Mommy.  "Pasensya ka na ha kung magiging matanong ako sayo Iha kase 'tong anak namin na 'yan ngayon lang may ipakilalang babae na girlfriend niya kase karamihan sa mga babaeng nakikita ko na kasama niya ayaw niyang ipakilala sa akin kaya sa tingin ko tinamaan sa'yo 'tong anak ko. Akalain mo 'yun Iha ang playboy na 'to umibig din pala ng totoo." Nakangiting sambit ni Mommy habang nakatingin sa gawi ni Lemi.

The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now