★Fourteen★

465 49 0
                                    

Continuation..

Hindi na ako pumasok ng hapon dahil hinatid ako ni Kurt sa apartment namin ni Lemi at sabi pa niya siya na daw ang bahalang magsabi sa mga guro, ang bait niya pero hindi ko lang maintindihan kung bakit ginagawa niya yun, Yung pagtulong sa akin kahit na hindi ko naman hiningi ang tulong niya.


BOGSSSSSSS!!!!



Nagulat ako sa biglaang pagbukas ng pinto at agad pumasok mula doon si Lemi.



"ARKYY NASAAN KA? OKAY KA LANG BA BABAE! NASAAN KA?" kunot noo akong nakatingin sakanya habang sumisigaw itong dumeretsyo sa kwarto ko pero maya-maya pay bumalik din at sa kitchen naman ang tinungo niya, ano bang problema niya at bakit hindi man lang niya ako nakikita dito.




"ARKY HUHU WHERE NA YOU?" naluluhang sambit niya at agad tinungo ang main door at akmang bubuksan ito ng mabilis kong kinuha ang magic pillow sa tabi ko at agad binato sakanya sapol sa ulo kaya nauntog sa pinto.


"Aray sinong may gawa nun?" Hinimas-himas niya ang ulo niyang nauntog dahil sa lakas ng impact ng magic pillow sakanya.



"Bakit ka ba sumisigaw?" Agad kong tanong sakanya bago pa niya mabuksan ang pinto. Gulat siyang lumingon sa akin at ng makita niyang ako nga ang nagsalita tsaka lang siya lumapit sa akin.




Hinawakan niya ang braso ko, noo at chineck pa pati likod ko dahil tinaas pa niya ang kamay ko at chineck pati kili-kili ko, tinaas din niya ang damit ko ng akmang itataas din niya ang damit ko sa harap ay agad kong tinampal ang kamay niya.


"Ano ba!" Inis kong sambit sakanya.


"Huhu Arky." Taka akong nakatingin sakanya ng magdrama ito sa harap ko.



"Tumigil ka nga diyan batukan kita diyan eh." Mataray kong sambit pero waepek sakanya. Huminga na lang ako ng malalim bago ko pitikin ang noo niya.



"Ouch! What's that for?" Nakangusong sambit niya habang hinihimas ang noo niyang pinitik ko.



"Wala trip ko lang." Sagot ko sakanya. "Tsaka bakit ka ba sumisigaw kanina ha?"



"Eh kase  narinig ko ang sinabi ni Kurt sa guro na hindi ka daw makapasok dahil may nangyari sayo kaya ayan pagkatapos ng klase agad na akong kumaripas ng takbo nakalimutan ko na ngang may kalayuan pala mula dito hanggang sa school eh. Nag-alala kase ako sayo." Sagot niya habang nakanguso.



Napangiti ako sa sinabi niya, kakaiba talaga siyang kaibigan sa sobrang pagka-OA niya minsan kung ano-ano na lang lumalabas sa bunganga niyang napaka-ingay pero kahit ganun mahal na mahal naman niya ako kahit na palagi ko siyang sinusungitan.




"Ano ba talagang nangyari sa'yo?" Tanong niya habang patingin-tingin sa mukha ko, sa mga kamay ko.



"Wala nahulog lang ako sa hagdan kaninang umaga kaya heto napilayan." Sagot ko sakanya bago itinaas ang paa kong may benda.


"Yan kase lalampa-lampa ka eh." Nakangiwing sambit niya habang nakatingin sa paa ko. Agad kong binaba ang paa ko bago ako sumagot sakanya.



"Hindi kaya. May tumulak lang sa akin kaya nahulog ako." Sagot ko na ikinalaki ng mga singkit niyang mga mata.



"Ha! Sino?" Tila gulat na tanong niya dahil nanlalaki pa ang dalawang singkit niyang mga mata.



"Hindi ko alam eh nakatalikod kase ako kaya hindi ko nakita." Sagot ko. "Pahiram nga pala ng cellphone mo."



"Eto." Agad naman niyang binigay ang cellphone niya na agad ko namang tinanggap. Gamit ang cellphone ni Lemi ay agad kong binuksan ang facebook niya, wala lang bored ako eh tsaka siya lang kase ang may cellphone sa  aming dalawa you know wala akong pera pambili pero dahil sa cellphone ni Lemi ay natuto akong gumamit nito.



The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now