★Special chapter 2★

568 20 4
                                    

Rave(Reina and Wave)...

"Mom alis na po ako." Pagpapaalam ko kay mommy sabay halik sa pisngi niya.


"Here take this anak."


"Ah, no need mom, gagala lang naman po kami ni Alon hindi kami pupunta ng mall." Agad kong tanggi ng inabot niya sa akin ang isang credit card.


"No anak this is yours, take this magagamit mo 'yan." Wala rin akong nagawa kundi ang tanggapin nalang ang binibigay niyang credit card dahil kahit tanggihan ko pa ito pipilitin pa rin niya akong tanggapin ito.



"Sige po alis na po ako, salamat po dito." Ngumiti muna ako kay mommy bago lumabas. Nadaanan ko si Daddy na busy sa pagbabasa ng magazine habang nagkakape.



"Dad alis na po ako." Pagpapaalam ko ng lumapit ako sakanya at humalik sa pisngi niya. Nakasanayan ko na itong gawin since may mag-iisang taon na ako dito sa mansion kasama sila.



"Take care princess, uwi ka ng maaga." Sambit ni daddy habang ang tingin ay sa binabasang magazine.



"Opo." Nakangiting sagot ko. Tinatawag niya akong princess gaya ni papa noong maliit palang ako, si kuya naman little sis, si mommy naman anak or sweety kung minsan tapos si lola apo ko, or my heiress.



"Here princess." Agad akong napatingin sa binibigay ni Daddy sa akin, isa rin itong credit card.




"Halla! hindi na po Daddy, may binigay na po si mommy sa akin kanina tsaka hindi ko pa nga po nauubos ang laman ng credit card ko na bigay ni lola eh." Agad kong tanggi pero wala akong nagawa ng ilagay niya mismo sa aking shoulder bag.



"Okay lang iyon princess, bilhin mo ang gusto mo. Wala lang naman ang mga halaga na iyan kumpara sa mga araw na nagdaan na ikaw mismo ang kumikita ng pera para sa pang araw-araw mo anak. Kaya ngayon gusto lang namin na enjoyin mo din ang buhay mo bilang isang dalaga na hindi mo nagawa noong teenager ka palang anak." Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Daddy.



"Salamat po pero kahit hindi ko man po kayo nakasama noon, alam ko naman po na bumabawi kayo sa akin, isa pa okay na po sa akin na maramdaman ang pagmamahal niyo kahit walang pera o kayamanan man." Sambit ko kay daddy.



"You grow up as a good girl my princess, sige na umalis ka na para maaga kang maka-uwi." Hinalikan ni Daddy ang noo ko bago ako nagpaalam ng tuluyan sakanya.




"Hello po, pwede po bang pakibukas ang gate!" Magalang kong utos sa aming gwardiya na nagbabantay sa aming gate. Apat lang ang gwardiya dito sa gate iba naman sa paligid, sa kalkula ko nasa mahigit twenty ang gwardiya dito sa mansion.



"Oo naman po señorita." Magalang niyang sabi bago buksan ang gate. Hindi naman ako nakakotse dahil susunduin daw ako ni Alon ngayon may pupuntahan daw kami.


"Salamat po." Pagpapasalamat ko ng tuluyan niyang mabuksan ang gate.



"Walang anuman po señorita." Ngumiti nalang ako sakanya bago lumabas. Sa totoo lang hindi ko gusto ang tinatawag na señorita kase nakakailang parang nakakahiya pero wala akong magagawa dahil kahit sabihin ko sakanila na tawagin nalang nila ako sa aking pangalan pero tinatawag pa rin nila akong señorita, sa mga gwardiya lang ah ang tumatawag sa akin ng ganun dahil ang mga kasambahay naman ang tawag nila sa akin young lady na hindi naman bagay sa akin dahil lumaki naman ako sa hirap pero dahil ayaw nilang makinig edi pinapabayaan ko nalang sila na tawagin nila ako sa gusto nilang itawag sa akin.



Beep! Beep! Beep!




Muntik pa akong mapasigaw dahil sa kawalan ko sa aking sarili.



The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now