★Eleven★

493 55 1
                                    

Ark Pov

Another day na naman at buti na lang walang pasok ngayon kase feeling ko lalagnatin ako dahil sa sobrang sakit ng puson ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko habang namimilipit sa sakit, naiiyak na nga ako sa sobrang sakit eh hirap talagang maging babae eh.

"Good morning philippines, good morning beshy." Pagbati ni Lemi sa akin ng makita niya akong naka-upo sa sofa at tahimik lang na nakatingin sakanya.


"Too." Tipid kong sagot sakanya. Kumunot agad ang noo at agad lumapit sa akin.


"What's wrong bakit ang tamlay mo may masakit ba sayo?" Tanong niya sabay salat sa noo at leeg ko.



"Halla medyo mainit ka." Sabi niya habang nakatingin sa akin ng may pag-aalala.


"Okay lang ako masakit lang talaga ang puson ko." Sagot ko sakanya.



"Eh sorry naubos na kase yung gamot ko na pang pain reliever." Hinging paumanhin niya.


"Okay lang tsaka mawawala din naman 'to." Sambit ko bago nahiga feeling ko talaga tamad na tamad akong kumilos.


"Babae magluto ka na ng pagkain natin, sorry babawi na lang ako next time talaga kaseng masakit ang puson ko kaya hindi ko magawang magluto." Hinging paumanhin ko sakanya.



"Okay lang sige at magluto na ako." Agad din naman siyang tumayo at nagtungo sa kitchen ako naman namimilipit pa rin sa sakit. Hirap talagang maging babae minsan wrong timing buti na lang walang pasok ngayon.


Nang maramdaman kong medyo okay na ay agad akong tumayo at pumasok sa kwarto ko para maligo. Wala akong pake alam sa mga kasa-kasabihan diyan hindi ko lang talaga kase kayang hindi maligo pag ganitong meron ako.


Nang matapos akong maligo tsaka ko lang maramdamang okay na hindi na gaanong masakit ang puson ko hindi gaya kanina na halos maiyak na ako sa sakit.


Habang nagsusuklay ako ay biglang pumasok sa utak ko yung result ng Quiz namin kahapon.


Flash back

"Pass your paper forward." Utos ni ma'am kaya dali dali naming pinass ang papel sa harap.

Nang makuha na ni ma'am ang papel naming lahat tsaka niya binasa isa-isa.

"Aquiless 30, Martin 50, Rosales 70, Ferrer 76, Mendoza 90, Cortez 99 oh 99 huh very good miss Tarra please give her around of applause." Agad naman kaming nagpalakpakan at todo ngiti naman si Tarra habang pakaway-kaway pa.



"De-vera 100, very good another clap for Mr. De-vera." Nakangiting ani ng guro pero parang wala lang kay Kurt.



"Cristobal 90, Conan 98, Perez 100 very good miss Perez another clap for her class." Ang lawak ng ngiti ni ma'am habang nakatingin sa akin kaya pati ako napangiti na rin aba perfect ko daw eh. Agad nawala ang ngiti ko ng makita ang masamang tingin sa akin ni Tarra problema niya.


"The rest got 60 below bawi na lang next time yung iba." Sabi ni ma'am bago nagpaalam sa amin.


Agad naman kaming tumayo ni Lemi dahil papasok pa kami sa next class namin which is yung course namin at baka malate pa kami lagot na pag nagkataon


Napatigil kami ni Lemi ng harangan kami nina Tarra sa daan namin habang nakatingin sa akin ng sobrang sama.


"Bitch I swear I can defeat you, poor skwater." Sabi niya habang nakatingin sa akin pababa at pataas.


The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now