★Twenty Four★

467 46 0
                                    

Ark Pov

Isang linggo na ang nakalipas nung nahospital ako at sa awa ng diyos hindi ko naman na masyadong nakakasalamuha ang tatlong demonyo at hindi ko alam kung bakit. Nahanap ko na rin pala ang kababata ko to be honest halos mabasa na ang jacket niya dahil sa kakaiyak ko. Nung una nga akala ko naniwala siya kay Tarra pero inamin din niya sa akin ang totoo at ngayon daw na nalaman na niya ang totoo hindi na daw niya ako iiwan, Sana nga dahil miss na miss ko na siya sobra.



"Eto na ba yung sinasabi ni Raven na restaurant ng Tita niya." Sambit ni Lemi habang nakatingin kami sa pintuan ng restaurant nagdadalawang isip kung papasok ba kami o hindi. Nakatayo kaming dalawa habang nakatingin sa pinto ng restaurant, masasabi kong maganda at malaki ang restaurant dahil kitang-kita mula dito sa kinatatayuan namin ang loob nito na madami ring mga taong kumakain.





"Eto ata yun, Food trip ang nakalagay sa karatula kaya sa tingin ko ito na nga ang tinutukoy niya." Sagot ko sakanya at sa huli magkasabay din kaming pumasok sa loob.



"Hello mga ma'am." Nakangiting bumati sa amin ang guard ng makapasok kami.


"Nasaan po yung boss niyo dito?" Tanong ko sa guard.



"Nasa office niya po halikayo." Iginiya niya kami papasok sa loob ng office ng may-ari ng restaurant.



"Ma'am may naghahanap sainyo." Sabi ng guard, tumingin naman ito sa amin at bahagya pang tumaas ang kaliwang kilay na para bang kinikilatis niya kami dahil yung tingin niya pataas at pababa.



"You may go now." Sabi nito sa guard kaya tatlo na lang kami dito sa loob.



"So kayo ang sinasabi ng pamangkin ko na naghahahanap ng part-time job?" Tanong nito bago niya kami paupuin sa kaharap niyang upuan.



"Opo kami nga po." Magalang kong sagot, kailangan siyang galangin dahil unang-una mas matanda siya sa amin at baka sakaling matanggap kami kung magiging magalang kami sakanya.



"So may karanasan na ba kayo?" Tanong niya at palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Lemi.



"Opo." Sagot ko.



"Good kung ganun." Tumayo ito kinuha ang resume namin ni Lemi. "You may start now." Sabi niya.



"Talaga po, naku your so bait naman po." Biglang sigaw ni Lemi nagulat pa nga ang kaharap namin dahil sa lakas ng boses niya.



"Pasensya na po kayo sa kaibigan ko malakas lang kase ang tililing niyan." Sambit ko pero tumawa lang ito, jusme akala ko magagalit siya dahil sumigaw 'tong kasama ko pero buti na lang at hindi.




"It's okay Iha, by the way you can call me Tita Aida." Sambit niya. Mukha naman siyang mabait kaya nasisiguro ko na hindi naman siguro kami maghihirap ng husto dito.


"Salamat po." Pagpapasalamat ko bago kami nagpaalam.


"Wait." Napahinto kami at agad lumingon kay Tita Aida.

"Bakit po?" Tanong ko dito.


"Since bago pa lang kayo, kaw muna miss Ariela ang magiging waitress at ikaw naman miss Leah 'kaw na muna sa counter." Sabi ni Ma'am habang nakatingin sa resume namin ni Lemi.



"Naku Tita mahina po ako sa math kaya kung pwede ako na lang ang magiging waiters." Sabi ni Lemi.




"Yes ma'am bagay niyang maging waiter 'yan dahil parang manok ang bunganga putak ng putak." Agad kong sang-ayon.



The True Heiress [Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora