★Nineteen★

462 43 0
                                    

Continuation....

Madaling araw na ng makarating kami ng laguna, nag night trip kami ni Lemi dahil masyadong mainit ang magbyahe sa tanghali.


"Paano Ark sa bahay ka muna mag-stay bukas ng umaga ka na lang uuwi sa bahay niyo." Sambit ni Lemi kaya pumayag na ako dito kase sa bahay nila kami nagpahatid sa bus buti na lang mabait yung driver.




Awoo! Awoo! Awoo! Awoo!




Muntik pa akong mapatalon sa gulat ng makarinig kami ng alulong ng aso mula sa kabilang bahay.




"Harujuskodiemaymulto." Nanginig pa akong kumapit sa railings ng gate nila lemi. Hindi sana ako matatakot kung hindi ba naman madaling araw may umaalulong na aso. Naniniwala kase akong sa mga ganitong oras daw bumibisita ang mga patay sakanilang mga tirahan o di naman kaya'y sa mga ganitong oras sila nagsilabasan para magliwaliw.





Naramdaman ko ang pagkapit ni Lemi sa akin habang pumapasok kami sa kanilang bahay. Nanlamig kami pareho ng nagkandasunod-sunod pa ang mga alulong ng mga aso mula sa magkabilaang bahay.




"Ikaw na, kumatok ka na." Utos ko sakanya ng marating namin ang pintuan. Nakahawak kami sa braso ng isat-isa habang nagtuturuan kung sinong kakatok.




"Ikaw na." Utos naman niya pero hindi ko siya sinunod kaya ang ending siya rin naman ang kumatok.



Tok! Tok! Tok! Tok!



(Engkkk)




Halos magtulakan kami ni Lemi ng unti-unting bumukas ang pinto at talaga namang ang dilim sa loob.




"Te-teka wag kang mamumulto, nangangarate kami- oo marunong ako." Inamba naman ni Lemi ang paa at bahagyang itinaas pero maya-maya lang ay bumukas ang ilaw mula sa loob at nakita namin si Tita na pupungas-pungas pa habang nakatingin sa amin.



"Oh anong ginagawa niyo diyan bakit hindi pa kayo pumasok." Sambit ni Tita kaya nag-unahan kaming pumasok ni Lemi sa loob.




"Nagising po ba namin kayo Tita, naku sorry po ah." Hinging paumanhin ko kay Tita.



"Hindi naman iha, Mel sa kwarto mo na makikitulog 'tong si Ark." Sabi ni Titaita habang nakatingin sa anak.




"No prob ma." Nakangiting sagot naman ni Lemi.



"Sige mauna na ako sainyo, antok pa ako eh." Pagpapaalam ni Tita bago naglakad papasok sa kwarto nila.



Sumunod na rin kaming pumasok ni Lemi sa kwarto niya at agad na nahiga. Kahit tatlong oras na lang umaga na pero kase wala pa kaming tulog kaya kailangan naming matulog.




Magkatabi kami sa kama ni Lemi na nahiga at magkabilaan kami pumwesto, sa kaliwa siya ay ako naman sa kanan.




"Good night ulit babae." Sambit ni lemi.




"Too." Tamad kong sagot habang nakapikit. Maya-maya lang ay tuluyan na akong hinila ng antok.




Halos magtanghali na ng magising kami ni Lemi dahil mga eight na kami nagising napuyat at pagod kase sa byahe kaya hindi nagising ng maaga.



Nauna akong nagtungo sa banyo at agad ginawa ang dapat gawin bago sumunod si Lemi ng matapos na ako.




"Good morning po." Pagbati ko kina Tito at Tita ng madatnan ko silang pareho sa may sala at nagkakape.




The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now