★Thirteen★

450 53 0
                                    

Ark Pov

Another day ulit at talagang nakakatamad pumasok kung hindi lang kami scholar baka liliban talaga ako, eh kase naman lunes na lunes nakakatamad talaga pero baka 'pag hindi ako pumasok baka may mamiss akong subject at baka may gagawin silang activities or surprise quiz mahirap na. Kapag may isang quiz kang namiss malaking impact na 'yun sa aking grade kaya kahit tinatamad akong pumasok ay kailangan kong pumasok.



"Bayad ho." Nang maibigay ni Lemi ang pasahe namin ay agad na kaming pumasok mahirap na baka malate kami.



Habang naglalakad kami ni Lemi ay napansin ko ang mga tingin ng mga estudyante sa amin, anong meron bakit ganyan sila makatingin?




Hindi ko sana sila papansinin pero may nasabi sila na dahilan ng aming paghinto at sabay kaming nagtinginan habang nakikinig sa mga bulungan nila o masabi bang bulungan dahil naririnig o baka naman kase nakamegaphone lang sila kaya naririnig pa rin kahit na nagbubulungan sila.



"They are scholar."


"Kaya pala sila nakapasok dito sa Zaragosa university."



Zaragosa? Familiar ang apeleyido na yan kanino ko nga ulit narinig 'yun? Ace luke Zaragosa..... Shoot si Ace pala so ibig sabihin anak siya ng may-ari ng paaralan na ito.




"Pero alam niyo guys may nagsabi sa akin na linalandi daw nila sina Kurt, Ace at kyler."



"Omy totoo, gosh they are so malandi pala no."


"Grabe sila."


Kunot noo akong tumingin kay Lemi na ngayon ay naka kunot noo din gaya ko. Ano bang sinasabi nila tsaka anong nilalandi sino? sinong tao ang nagsabi sakanila ng ganun?


"Don't mind them just go." Tsaka lang kami napalingon ni Lemi ng may nagsalita mula sa likod namin. Then ng lumingon kami ay si Kurt pala habang naka cross arms na nakatingin sa amin o wait parang sa akin.


Nauna na itong naglakad kaya agad na din kaming sumunod sakanya.


"Omy gosh totoo nga na malalandi sila look nakasunod sila kay Kurt."


"Oo nga."


"Shut the fuck-up your fucking noisy mouth all of you!" Hindi naman halatang galit siya habang sinasabi 'yun no, kase naman sumigaw pa talaga siya pero effective naman kase agad na tumahimik ang mga taong kaninang nagbubulungan ng kung ano-ano.



Pagpasok namin masamang tingin agad ni Tarra ang bumungad sa akin together with her friends pero ang mas nakakagulat dun sina Tarra at ang kaniyang dalawang kaibigan ay ngayon sila na ang naka-upo sa upuan kung saan kami naka-upo dati ni Lemi at talagang pinaalis pa nila si Raven dun kapal talaga ng muks ng mga 'yan.



Tumingin-tingin ako kung may bakante pa at buti na lang may dalawa pang bakante sa may likod at take note dun naka-upo si Raven habang tahimik na nakatingin sa amin. Hinila ko na lang si Lemi at dun kami umupo kung saan dati naka-upo ang three Demons. Three Demons kilala niyo na sila no other than Tarra and her friends.




"Good morning." Masiglang pagbati ko kay Raven ng maka-upo kami ni Lemi bale ako ang nasa gilid malapit sa bintana tapos si Lemi at si Raven.



"Good morning too." Ngumiti rin siya sa amin kaya nakita ko ang pantay at malilinis niyang ngipin, grabe hanep ah ganda ng ngipin nakakaingit. Nagkwentuhan muna kaming tatlo bago dumating ang guro.


The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now