Thirty Seven

444 21 0
                                    

Ang nalalapit na pagtatapos....

Lemi Pov

It's been a month since nangyari ang pagkidnap saamin nina Tarra and it's been a month when Ark is lying in the hospital bed. Halos sa hospital na nga tumira si Kurt dahil gaya namin umaasa pa rin kami na sana magising na siya at sana walang magbabago sakanya cause it's hurts so much na ang bestfriend mo for almost a year pero hindi ka man lang maalala na naging parte ka pala ng buhay niya. Everytime na makikita ko si Tarra at ang kaniyang kaibigan sa tuwing pumapasok ako parang gusto ko na silang sabunutan at ipadukot din gaya ng ginawa niya sa amin pero alam kong mali iyon dahil naniniwala pa rin ako sa salitang karma.

Since saamin pumanig si kuya Ray ang kapatid mismo ni Tarra kaya naabswelto ang sinampang kaso sa amin ng parent nila dahil sa kagagawan ni Tarra at ang dalawa niyang kaibigan.

"Iha."

Napatingin ako kay Tita Marietta na ngayo'y malungkot na nakatingin sa akin. Nandito ako sa bahay nila Ark dito sa Laguna kakauwi ko lang kahapon para ibalita kay Tita Marietta ang nangyari kay Ark. Sa totoo lang wala akong balak sabihin eh kase alam ko rin naman na wala siyang pake kay Ark pero nagkamali ako dahil ng sabihin ko kay Tita ang nangyari kanina tila ba parang may biglang bumaril sakanya mula sa likod nito at tila napipi dahil kusang tumulo ang luha nito sakanyang mga mata pero walang maririnig na hikbi mula sakanya kundi ang panginginig ng labi nito at kahit ako naiiyak na habang nakikita ko ang reaction ni Tita.

"Iha alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo lalong-lalo na sa kaibigan mo pero bakit ganito? Hindi ko akalain na ang pagpunta pala niya sa lugar na yun ang magpapahamak sakanya. Oo nga't masama ang turing ko sakanya pero bakit nasasaktan ako sa nangyari sakanya. Sabi ko wala akong pake kahit man mamatay siya pero kahit ganun hindi niya ako iniwan dahilan para pagsisihan ko ang mga nagawa ko sakanya. Gusto ko man bumawi sakanya pero masyadong malaking kasalanan ang nagawa ko sakanya simula palang noong sanggol siya kaya wala akong mukhang maihaharap sakanya kaya ang tanging hiling ko lang sana Iha wag mo siyang pababayaan." Sambit ni Tita habang tumutulo ang luha nito. Alam at ramdam ko ang sinseridad sa tono ng pananalita niya at labis na akong nasiyahan dahil kahit pala ganun kasama si Tita kay Ark may natitira pa rin pala siyang awa at pagmamahal. Pero ang sinabi niya kanina na simula palang sanggol si Ark ano kayang ibig sabihin ni Tita kase ang alam ko simula nu'ng nawala lang si tito naging ganun si Tita kay Ark.

"Tita pwede ko bang malaman kung anong ibig niyong sabihin sa simula palang noong sanggol si Ark?" Sambit ko pero ganun nalang ang pagtataka ko ng makita ang tila natauhan si Tita at di nakaimik sa tinanong ko.

"A-ahm ano kase iha noong sanggol palang si Ark hindi ko na siya tinuring na anak at labis akong nagsisisi ngayon kung bakit sa dami ng nagawa kong pagkakamali sakanya nagagawa pa rin niya akong pakisamahan." Sagot ni Tita pero ewan ko kung pakiramdam ko lang ba ito o ano dahil tila may hindi pa sinasabi si Tita pero hindi ko na lang iyon tinanong pa baka kase masyadong pribado na iyon.

"Pero Tita pwede niyo po bang dalawin man lang si Ark sa hospital." Sabi ko dahil kahit papaano gusto ko pa ring makita at malaman ni Ark na pinagsisihan na ni Tita ang ginawa niya sakanya at baka sakaling si Tita nalang ang hinihintay niya para magising.

"P-pero hindi pa ako handa Iha dahil pakiramdam ko wala akong mukhang ihaharap sakanya." Sambit ni Tita kaya napabuntong hininga na lamang ako.

"Kayo pong bahala pero kung gusto niyo po siyang makita dalawin niyo lang po siya sa Cortez Hospital." Sambit ko at akmang magpapaalam na sana ako kay Tita ng mapansin ko ang tila pamumutla nito.

"Tita bakit po kayo namumutla?" Takang tanong ko sakanya pero hindi siya umimik at umiiling-iling lang ito habang nakatingin sa akin ng may halo-halong emosyon lungkot, pangamba, at higit sa lahat takot. Para Saan ang mga yun bakit tila may nagawa si Tita na kasalanan na kinakatakot niya.

The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now