★Special chapter 1★

442 15 0
                                    

Kyleah.........(Kyler and leah/Lemi)

Lemi Pov

Patalon-talon ako habang naglalakad papasok sa apartment ko kagagaling lang namin ni Ark sa fast food chain, nanlibre kase siya dahil nais naming ipagdiwang ang pagkakaroon na niya ng sariling sasakyan, oo may sasakyan na ang babaeng 'yon samantalang ako wala pa. Nagpaturo siya sa jowa niyang si Kurt sa tuwing araw ng sabado. Balak ko din sanang mag-aral kung paano magdrive kaso ayaw naman akong payagan nina mama na magdrive baka daw ikamatay ko pa ng maaga, aba! advance mag-isip lang eh no.

"Wahhhhhh!" Halos matumba na ako ng pagbukas ng pintuan biglang umilaw ang ilaw kahit na hindi ko pa naman pinipindot ang switch ng ilaw.

"Surprise baby." Nagulat ako ng biglang lumitaw si Kyler galing sa kusina ng apartment ko, ko kase nag-iisa na ako dito.

"You scared me!" Magkahalong inis at sayang sambit ko ng lumapit siya sa akin at agad binigay ang isang mamahaling bouquet ng bulaklak.

"Oh I'm sorry, happy anniversary my baby." Bati niya sa akin kaya ako naman eto nag-emote, naluha ako dahil sa maeffort ang boyfriend ko kahit na minsan inaaway ko siya dahil sa pagiging playboy niya pero kahit ganun siya pa rin naman ang nagpapakababa para sa aming dalawa and I'm happy that he is my boyfriend.

"Aww, thank you baby. Happy anniversary too." Hinalikan ko siya sa labi ng mabilis habang nakahawak sa binigay niyang bulaklak.


"You want to go out?" Biglang tanong niya at alam ko naman na nais niya akong ipasyal tulad ng dati.


"Pero gabi na ah, tsaka maaga pa tayo bukas para sa pagbisita sa companya niyo." Sabi ko sakanya.


"So dito tayo magcelebrate ng anniversary natin?"


"Pwede naman, basta may pagkain ayos na sa akin." Agad kong sagot, tsaka pagod ako sa kagagala namin kanina ni Ark dahil sinamahan ko siyang bumili ng sandals na gagamitin niya para sa first day niya sa company nila dahil ipapakilala daw siya ng kaniyang ama sa mga employees nila.



"Wait." Agad siyang nagpindot-pindot sakanyang cellphone at alam kong nag-order siya ng pagkain para sa amin.



"Sakto pala na bumili ako ng cd kanina." Agad kong inilabas mula sa hawak ko kanina na shopping bag.


"Woah! That's a cool drama." Manghang sabi niya ng makita niya ang cover ng hawak kong cd.


"How do you sure na maganda at cool ito?" Tanong ko sakanya.

"It's because napanood ko na yan." Sagot niya dahilan para mapasimangot ako.


"Ganun, edi wag nalang tayong manood kung ganun." Agad kong sambit at akmang ilalagay ulit sa loob ng shopping bag ang hawak kong cd ng pigilan niya ako.


"No. I want to watch that movie again, basta kasama ka willing akong panoorin yan ulit." Sambit niya kaya napangiti naman ako ng malapad.


"Talaga?" Agad kong tanong na tumango naman siya.

"Wait habang hinihintay natin ang order ko, paano kung magluluto muna ako." Sabi niya na agad ikinaningning ng mga mata ko.


"Mas magandang idea." Agad kong sang-ayon sakanya. I love his cooked at talagang nakaka-inlove dahil hindi ko malimut-limut ang sarap ng luto niya.


"Anong pwedeng lutuin?" Tanong niya bago tumayo.


"Pwede na ang sinigang, may karne at ingridients doon sa kusina. Ikaw na bahala kung anong klaseng luto ang gagawin mo." Sagot ko dahil kahit ano man ang iluluto niya kakainin ko basta gawa niya, alam ko kase na masarap at talaga namang talentado ang soon to be husband kong chef. Yes natupad na rin ang pangarap niyang maging chef while me ito hinihintay na maipasa sa akin ang pangalan ng companya para nasimulan ko na rin ang pagmamanage dito. Since nandito ako sa Manila binenta na nina mama ang companya namin doon at nagpatayo sila ng company dito sa Manila na siyang aking imamanage kapag naipasa na sa akin ang companya. Yes I take the business manager since nag-shift si Ark ng course pati ako nag-shift na rin kase nga ang gusto ko kung nasaan si Ark dapat nando'n ako, so dahil mahal ako ng parent ko ang companyang mamanain ko ay binenta para makapagpatayo kami ng aming companya dito na siyang aking pag-aari, may malawak na bukirin kami sa Laguna na siyang binabantayan nina mama kaya hindi sila pwedeng pumunta dito sa manila at dito manirahan at isa pa ayaw nina mama na dito manirahan mas gusto daw nila doon kaya ako nalang talaga ang nandito, mas pinili ko dito dahil siyempre para malapit pa rin kami ni Ark at para mabantayan ko si Kyler mahirap na kapag iniwan dito baka tukain ng iba lalo na't buhay pa ang dalawang higad na demonyo.

The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now