Fifty Three

515 19 0
                                    

Continue...

Kinakabahan ako habang hinihintay na tawagin nila ang pangalan ko. Nandito ako sa pintuan at hindi pa pumapasok dahil nagsasalita muna si lola.

"Hello good evening to all of us, this event is for my granddaughter. The true heiress, so we want to introduce her in public to show to all of of you that we are proud of having her to our family. I'm so happy that my true heiress granddaughter is now accepting my clan, she accepted of being a part of family Cortez..... Now I want to introduce my true heiress granddaughter, ARIELA REINA KROWN CORTEZ!"


Nang marinig ko iyon hudyat na papasok na ako kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sa gitna kung saan si lola na ngayo'y nakangiting nakatingin sa akin. Halos mabingi ako sa lakas ng palakpakan ng mga tao at halos masilaw na din ako dahil sa mga flash ng camera dahilan para mapayuko ako.



"Don't be shy my daughter, just be proud." Narinig ko ang tinig ni Daddy kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na tumingin sa mga tao na ngayo'y manghang-mangha habang lahat ay sa akin nakatingin. Napatingin ako sa pwesto nina Daddy kasama si mommy at kuya na ngayo'y nakangiting nakatingin sa akin. Nasa gilid lang kase sila hindi kalayuan sa pwesto nina Lemi, at mga parents niya ganun din sina Kyler kasama ang kapatid at magulang tapos si Ace kasama din niya ang parent niya.



Hindi ko maiwasang mapaluha ng hindi ko makita ang isang taong nais kong makita sa oras na ito. Dahan-dahan akong lumapit sa microphone at hindi ko mapigilang mapaluha habang umaasa na makikita ko si mama. 



"Kaya mo iyan anak." Mula sa hindi kalayuan kung saan ako nanggaling kanina narinig ko ang boses ni mama kaya hindi ko na talaga napigilang mapaiyak sa tuwa. Labis-labis ang saya sa loob ko ng tuluyan ko siyang makita habang naka thums-up pa saakin, tumango pa siya habang nakangiting nakatingin sa akin kaya mas lalo akong natuwa.



"Ahm," Pag-agaw atensiyon ko sa lahat at para na rin maihanda ang boses ko." hello magandang gabi sa a-ating lahat ako po ay labis na nagpapasalamat sa mainit ninyong pagtanggap sa akin. Lalo na sa pamilya ko, sina lola." Napatingin ako kay lola na ngayo'y naluluhang nakatingin sa akin. "Sina mommy, Daddy at kuya maging ang mga kaibigan ko at lalong-lalo na kay mama na hindi ko akalain na dadating din siya. Ngayon masasabi ko lang na labis akong masaya dahil ngayon nahanap ko na ang matagal kong hinahanap, ang totoo kong pamilya maraming-maraming salamat sainyong lahat." Nagbow ako sa harap nila na ngayo'y nagsisipalakpak dahil sa tuwa. Napangiti nalang din akong nakatanaw sa mga taong nandito pero kahit buo ang pamilya ko may isang tao pa rin ang nais makita ng mga mata ko ganun din ang puso ko. Kahit impossibleng isipin na pupunta siya dito pero hindi mo mapigilang maisip na sana nandito rin siya dahil miss na miss ko na siya, sobra.



Natigilan ako ng biglang may tumugtug ang na gitara kaya nagpalinga-linga ako kung saan nanggaling iyon.

l: Mahal pangako sa iyo
Hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko
Kahit Ikaw ay lumayo at masaktan ako
Aasahan na 'di maglalaho


Natigilan ako at hindi makapagsalita ng marinig ko ang pagkanta ng kung sino man mula sa kung saan kaya palinga-linga ako at hindi mo alam kung bakit pero ramdam ko ang pagkasabik kaya hindi ko mapigilang mapaluha. Alam ko kung sino ang kumakanta dahil siya lang ang nakaka-alam na ang kantang iyan ay paborito ko.


Chorus: Ang pag-ibig ko alay sa'yo lamang
Kung kaya giliw
dapat mong nalaman

Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sa'yo'y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman

The True Heiress [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon