★Thirty★

466 37 0
                                    

Ark Pov

It's been a week since pumunta kami sa bahay nina Alon at hindi ko man lang nakilala ang papa niya, pero yung lalakeng nakita ko noon sa library palaisipan pa rin sa akin yung taong yun. Alam kong hindi siya ang papa ni Alon dahil natatandaan ko pa ang mukha ni Tito Kurdy kaya alam kong hindi siya ang papa ni Alon. Ah siguro baka kamag-anak lang nila 'yun. Pero bakit ganun! Bakit hindi maganda ang pakiramdam ko sa taong 'yun.



"Ay naman." Inis kong tiniklop ang librong binabasa ko dahil malapit na kase ang exam namin para sa first semester ngayong taon. Malapit na kase ang buwan ng agosto kaya todo prepare kami para sa magaganap na buwan ng wika. Sabi ng professor namin kailangan daw naming umatend dahil may dagdag points daw kami. Kung ako ang tatanungin okay lang naman sa akin yun dahil kung sakali ngayon ko lang mararanasang makadalo sa isang party at 'di lang 'yun dahil sa isang sikat at kilalang paaralan pa, oh diba bongga.



Napasimangot na lang ako at agad nag-ayos ng sarili ko, parang gusto ko nang mamasyal eh. Si Lemi kase mang-iiwan, sinundo kanina ni Kyler dahil may pupuntahan daw sila at hindi ko naman na trabahong tanungin kung saan man 'yon.


🎶Mahal pangako sa iyo
Hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko
Kahit Ikaw ay lumayo at masaktan ako
Aasahan na 'di maglalaho



Kumakanta ako habang nagkukuskos ng sabon sa aking katawan, ewan ko ba feel na feel ko ang kantang 'to eh simula nung kinanta ko noong napadpad ako sa music room noong araw na 'yun.

Chorus: Ang pag-ibig ko alay sa'yo lamang
Kung kaya giliw
dapat mong nalaman

Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sa'yo'y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman

Napapikit-pikit pa ako habang kumakanta.

"Watashi no joō."


Hayss bakit ko ba biglang naisip ang taong 'yun, ilang araw at linggo ko na iniisip kung ano bang salita iyon at kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ng Alon na 'yun. Palagi na lang niyang ginugulo ang sistema ko, sa pagtulong siya ang naiisip ko, napapanaginipan ko din siya, tapos pag naaalala ko ang pangalan niya biglang bibilis ang tibok ng puso ko, ano bang nangyayari sa akin? In love na ba ako o baka naman may sakit ako sa puso.



Nakabusangot ako habang nagbibihis dahil ang dami kong naiisip, tulad na lang ng nalalapit naming exam tapos yung buwan ng wika, tapos si Ace at Raven na parang baliw dahil parehas na lutang hindi sila maka-usap ng matino. Nitong nakaraang araw sinubukan namin ni Lemi na kausapin si Raven pero tanging personal matter lang ang sinasabi niya, kaloka din 'tong si Ace minsan ko na ding nahuli na sumulyap sa gawi ni Raven tapos sa akin tapos sa huli tutunganga na naman. Nakakabaliw na silang kasama eh. Si Lemi naman ayon happy go lucky dahil official na silang mag on ni Kyler kaso hindi pa nai-pakikilala ni Lemi si Kyler kina Tita at ganun din naman si Kyler sa mga magulang niya.



Busy ako sa pag-aayos sa sarili ko ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong dinampot at agad sinagot ang tawag at dina inabalang tinignan kung sino ang tumatawag.

The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now