Thirty Eight

437 22 2
                                    

Continuation... Still Raven Pov

Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata pero medyo blurred kaya pumikipikit muna ako para maging maayos ang paningin ko hanggang sa maka adjust na rin ang mga mata ko at malinaw ko ng nakikita ang paligid ko. Agad kong nilibot ng tingin  ang paligid ko ng mapagtanto kong nasa hospital pala ako at hospital mismo nina Tarra. Agad akong napabalikwas ngunit agad din akong natigilan ng may biglang pumitik sa noo ko.


"Aray! Kung sino ka mang bwisit ka mapatay kita!" Inis kong sambit bago tumingin ng masama sa taong gumawa nun at ganun nalang ang pagkagulat ko ng makita kong ang sama ng tingin sa akin ni kuya habang nakahalukipkip pa.


"Anong sabi mo papatayin mo ako." Nakataas ang kaliwang kilay nito habang nakatingin sa akin.


Ma attitude parang bakla.'di kaya bakla na talaga siya.


"Ikaw Ven ah sinasabi ko sa'yo hindi mo ako madadaan sa paawa effect o pahima-himatay effect mo diyan basta tuloy ang kasal." Sambit ni kuya dahilan para mahampas ko siya sa gigil.


"Wag mo nga akong pake-alaman kuya, ang intindihin mo yang sarili mo." Inis kong sambit sakanya.


"Aba'

"Oh ano na naman yan? Ikaw Rustin ah kakagising palang ng kapatid mo ini stress mo na." Agad na sambit ni Mommy pagpasok niya dahilan para hindi matuloy ni kuya ang sasabihin niya sana. Buti nalang dumating si Mommy.




"Pwede na po ba akong lumabas?" Magana kong Tanong at agad na bumaba sa hospital bed. Ayoko talaga ang amoy ng hospital eh kahit na nandito ang kaibigan ko hindi ko gugustuhing mag-stay dito dahil nasusuffocate ako kapag naaalala kong sa demonyitang si Tarra ang nagmamay-ari sa hospital na ito.



"Dahan-dahan lang anak baka kung anong mangyari sa'yo." Agad akong inalalayan ni Mommy sa pagbaba ko ng higaan dahilan para mapa-irap nalang ako.


"OA mom." Sambit ko pero deadma lang si Mommy hanggang sa tuluyan na akong nakatayo at may sapin na sa paa ko. Taka akong tumingin kay mommy ng bigla niyang hawakan ang tiyan ko bago tumingin sa akin ng hindi ko mawari kung awa ba o pagsisisi pero para saan naman iyon.


"Anak ano ba talagang dahilan bakit ayaw mong ituloy ang arrange marriage na yan ha anak?" Tanong ni Mommy bago inalis ang kamay sa tiyan ko at agad hinawakan ang dalawa kong kamay. Natahimik naman ako at napapout nalang ng wala sa oras dahil hindi ko alam kung paano ko nga ba to sasabihin sakanila ang lahat.


"Eh kayo mom bakit pinagpipilitan niyo pa rin kahit na umayaw na ako?" Balik Tanong ko kay mommy dahil para makurot ako nito sa pisngi.


"Dahil may responsibilidad siya sa'yo anak. Buntis ka at magtatatlong linggo na." Sambit ni Mommy na naging sanhi ng pagkabato ko sa aking kinatatayuan na para bang na stroke ako at hindi makagalaw dahil sa narinig.


Buntis ka at magtatatlong linggo na.

Buntis ka at magtatatlong linggo na.


Buntis ka at magtatatlong linggo na.


Parang sirang plakang paulit-ulit na nagplaplay sa utak ko ang sinabi ni Mommy.


"Huy babae bakit natahimik ka." Sambit ni kuya sabay pitik na naman sa noo ko dahilan para mapabalik ako sa sarili ko at tumingin sakanya ng sobrang sama.


Balugang to akala naman niya kasing tigas ng landok ang noo kong di nasasaktan sa parang semento niyang mga dailiri. Kainis!


The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now