★One★

1K 77 7
                                    

12 years past!!!!!

Ark Pov

Napahawak ako sa kwintas ko at inalala ang lahat na nangyari sa nakaraan. 12 years na ang nakalipas pero sariwa pa rin ang lahat sa akin. Namiss ko na ang kababata ko at hindi ko lang talaga matandaan ang pagmumukha ng isang 'yon ngayon baka nga sobrang gwapo na niya eh. Two years lang kase ang pinagsamahan namin bago sila lumipat sa manila. Nagmigrant sila dun dahil nandon ang companya nila dahilan para hindi ko na siya nakasama pa. Yung company na pinagtratrabauhan dati ni papa binenta na nila pero yung isa nilang company nanatiling sakanila na siyang minanage ng tito ni Alon kaya naman balik construction ulit si papa. Pinahid ko ang luhang tumulo mula sa aking mata dahil naalala ko na naman si papa.



"Ark nasaan na ang sapatos ko?" Sigaw ni mama mula sa sala.




"Eto na po." Mabilis pa sa alas kwatro na nakapunta ako sa sala.




"Eto po." Magalang kong sabi at binigay ang sapatos niya.




"Ba't ba ang tagal mo?" Pasigaw na tanong nito bago ibato sa akin ang hawak niyang tissue. "Yan linisin mo lahat ng 'yan. Dapat pagbalik ko malinis na 'tong bahay na datnan ko maliwanag!" Sigaw niya sa akin sabay tayo.





"Opo ma." Mahinang sagot ko bago siya lumabas.




Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Since nagka-isip ako ganun na ang turing sa akin ni mama. Napakalayo ng loob niya sa akin hindi gaya ni papa noong nabubuhay pa siya. Yes totoo ang nabasa niyo wala na si papa three years na ang nakalipas. Namatay siya dahil sa aksidente na labis kong kinalungkot, nagkaroon kase noon ng aksidente at eksakto na nasa trabaho pa si papa noon tapos kamalas-malasang siya ang natamaan. Nang mawala si papa mas lalong naging masungit si mama sa akin na halos ginawa na niya akong alipin pero okay lang naman sa akin dahil sanay na ako sa ugali niya.




Marahan kong pinahid ang luhang dumaloy sa pisngi ko bago nagsimulang maglinis. Mas mabuti ng maglinis para kahit man bumalik ng maaga si mama ay wala na siyang masabi pa. Kapag nadatnan niyang makalat pa rin ang bahay sigurado akong uusok na naman ang ilong niya sa galit at baka ayaw pa niya akong pakainin.





Pagod at pawisan ako ng matapos kong linisan ang buong bahay. Nagawa ko na rin lahat ng dapat kong gawin dito sa loob ng bahay at maging sa labas. Sanay na ako kaya naman hindi na bago sa akin ang mga gawain dito sa bahay, daig ko pa nga ang alila na inalila ng mga hapon dahil bukod sa walang sweldo, bawat pagkakamali pa isang parusa ganon kalupit si mama sa akin.




Tok! Tok! Tok!




Tatlong katok ang agad kong narinig mula sa labas. Si mama na siguro 'yan sa isiping 'yun ay dali-dali akong lumapit sa pinto at agad binuksan iyon.




"Oh Tita kayo po pala?" Agad kong sambit ng hindi si mama ang nakita ko kundi si Tita Maricel kapatid ni mama.




"Ah oo, si mama mo?" Tanong nito.




"Pasok ho muna kayo." Agad kong sabi pero mabilis siyang tumanggi.




"Hindi na aalis din naman ako agad. Nasaan si Mariette?"




"Umalis po." Sagot ko.




"Eh saan naman daw pupunta?" Tanong nito kaya hindi ko maiwasang mapakamot sa batok ko.




"Hindi ko po alam eh." Sagot ko kay Tita.




"Ganun ba sige alis na ako Iha." Ngumiti lang ako kay Tita bago siya umalis.





The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now