★Twenty Two★

457 48 2
                                    

Ark Pov

Natapos ang buong maghapon na puro activities lang ang ginawa namin pero wag ka nakakapagod ng isip, nakakastress pa lalo na sa solving sa math na 'yan nakakahilo.


"Ano Arky pupunta ka pa ba sa rooftop?" Tanong ni Lemi ng matapat kami sa hallway ng building kung saan ang rooftop. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko pumunta pero may curiosity kills me.



"No choice, bahala na wala naman sigurong mangyayari sa akin dun. Basta wag mo akong iiwan hintayin mo na lang ako dito." Sagot ko sakanya bago naglakad patungo sa rooftop. Kabado akong nakarating sa rooftop at nagdadalawang isip pa ako kung pipihitin ko ba pa ang door knob pero sa huli nanaig pa rin ang panindigan ko kaya ngayon naglalakad ako habang palinga-linga para hanapin kung sino mang nagpapunta sa akin dito.



"Well, well isa ka talagang tanga. Akalain mong napapunta kita dito hahahahaha." Agad akong napalingon sa nagsalita at nakita ko ang tatlong magkakaibigang demonyo habang naka cross arm si Tarra habang nakatingin silang tatlo sa akin. Dinagsa ako ng matinding kaba at hindi mapigilang mapahawak sa strap ng bag ko.



Lumapit sila sa akin habang nakangisi si Tarra habang nakatingin sa akin ng deretsyo dahilan para mapalunok ako dahil sa sobrang kaba ko.



"Ano nasaan na ang tapang mo?" Nakataas ang kilay na sabi ni Tarra at agad niyang hinablot ang buhok ko.



"Ahhh." Hindi ko mapigilang mapadaing ng maramdaman kong bumaon ang kuko niya sa leeg ko habang sinasabunutan niya ako.



"I thought matapang ka nasaan na ngayon, ilabas mo o baka naman sadya lang talaga na landi lang ang nasa loob mo." Nanunuyang sambit niya narinig ko pa ang pagtawa ng dalawa niyang kaibigan habang sinasabunutan niya ako.


"Ahhhh tama  na." Halos maiyak na ako pero pinilit ko siyang tinulak palayo sa akin at nagtagumapay naman ako pero mas lalo ko pa ata siyang nagalit dahil inutusan niya ang dalawa niyang kaibigan na agad humawak sa magkabilaan kong braso.


PAK!


Isang malutong na sampal ang dumapo sa kanan kong pisngi ng sampalin niya ako. Pilit akong nagpumiglas mula sa pagkakahawak ng dalawa pero mas lalo pa nilang hinigpitan ang paghawak sa akin.

PAK!


Naramdaman ko na lang ang sunod na paghapdi ng kaliwa kong pisngi, pakiramdam ko bumakat sa pisngi ko ang kamay niya dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin.



"That what you got for being flirt, Kurt is mine alone." Sambit niya sabay sampal ulit sa akin at ramdam ko ang paglandas ng dugo sa labi ko ng suntukin niya ako. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya pero wala akong lakas para magsalita pa.



"You don't know me so better stay away from them at sabihin mo sa kaibigan mo na layuan niyo sila kung ayaw mong mas malala pa ang gagawin ko sainyo. Dapat nga kasama sana ang kaibigan mo ngayon dito eh, para mabugbog din dahil sa kalandian niya." Pagbabanta niya at isang suntok ang pinakawalan niya at sa sikmura ko tumama.


"Wag kang mag-alala dahil mararanasan din ng kaibigan mo ang naranasan mo kaya better save her and tell her not to flirt my Kyler." Sambit ni Daniela bago niya ako tinuhod sa sikmura dahilan ng mas lalo kong ikinahina.



"Bwarkk."


Tila namanhid ang tiyan ko lalo na ng may lumabas na dugo sa aking bibig dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya at pagtuhod nila sa akin ng hindi lang isang beses kundi anim na beses dahilan para makaramdam ako ng hilo.


The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now